Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Colorcoding sa mga bumibiyaheng tricycle at trisikad sa Kabacan, ipapatupad

(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Para matukoy kung kolurom ang mga bumabiyaheng tricycle at trisikad sa bayan ng Kabacan, magpapatupad ng color coding ang Pamahalaang Lokal ng Bayan.

Ito ang isa sa mga pinag-usapan kahapon sa ipinatawag na pagpupulong ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa mga transport sektor sa bayan.

Pagpapabalik sa kumpiyansa ng taong bayan, isa sa mga prayoridad sa 100 days ni Mayor Guzman

Mayor Herlo Guzman, Jr.
(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Nais ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na maibalik ang kumpiyansa ng taong bayan sa Pamahalaang Lokal.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ng opisyal matapos na ihayag nito na isa sa kanyang prayoridad na tutukan ay ang peace and order sa bayan sa unang isangdaang araw nitong panunungkulan bilang bagong alkalde ng Kabacan.

Pamunuan ng Kabacan PNP, tinawanan lamang ang report na pinaka-kurap na ahensiya ang mga ito

(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Tinawanan lamang ng bagong upong Chief of Police ng Kabacan ang lumabas na report na ang kanilang ahensiya ang pinaka-kurap na institusiyon sa Pilipinas, batay sa latest na Global Corruption Barometer Survey ng Transparency International.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo sa panayam sa kanya ng DXVL News hindi umano siya makabigay ng di magandang kumento sa lumabas na ulat, ito dahil ang local PNP naman ay walang natatanggap na reklamo mula sa mga personnel nito na may kinalaman sa kurapsiyon o di kaya may mga anomalyang may kinalaman sa pera at supplies.

Cargo Truck, hinold-up sa Datu Montawal, Maguindanao; 2 suspek nasakote

(Datu Montawal, Maguindanao/ July 19, 2013) ---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng mga militar at pulisya ang dalawa katao na responsable sa pang-hohold-up na nangyari sa Brgy. Pagagawan, partikular sa National Highway ng bayan ng Datu Montawal, Maguindanao alas 11:23 ng gabi kamakalawa.

Sa report ni Lt. Benjamin Peralta ng Philippine Army tinatahak umano ng Isuzu Elf Cargo Truck ang nasabing kahabaan at pagdating sa nabanggit na lugar ay pinara ng dalawang tao at hinold-up ang nasabing sasakyan.

Barangay kagawad, tinodas ng Brgy. Kapitan sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Napaaga ang salubong kay kamatayan ng isang 61-anyos na brgy kagawad makaraang barilin ng mismong Barangay Kapitan sa brgy. Damawato, Tulunan, North Cotabato alas 8:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Federico Supat, nangungunang konsehal ng barangay habang kinilala naman ang suspek na si Gilberto Espilita, Kapitan ng nabanggit na lugar.

Mahigit 10 motorsiklo, naka-impound sa Kabacan PNP sa pagpapatupad ng “No Plate, No travel Policy”

(Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Abot sa mahigit sampung mga motorsiklo ang naka-impound kahapon sa Kabacan Municipal Police Station sa mas pinahigpit na pagpapatupad ng “No Plate, No Travel Policy” ng Kabacan PNP.

Mismong si PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nanguna sa pagsita sa mga motoristang walang plaka at walang kaukulang dokumento na bumibiyahe sa mga pangunahing kalye ng Poblacion.

PDRRMC North Cotabato may paalala na huwag matakot sa panahon ng lindol

(Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Muling nagpaalala ngayon ang pamunuan ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa publiko na wag matakot sa panahon ng Lindol.

Ginawa ni PDRRMC Officer Cynthia Ortega ang pahayag sa DXVL News Radyo ng Bayan matapos na muling niyanig ng malakas na paglindol ang bayan ng Carmen kamakawala ng umaga.

Kabacan Comelec, naghahanda na para sa nalalapit na SK at Barangay Election

(Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Ngayon pa lamang ay todo handa na ang Commission on Elections o Comelec Kabacan para sa gagawing synchronized Sangguniang Kabataan at Barangay eleksiyon ngayong darating na Oktubre.

Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Acting Election Officer Gideon Falcis na magsisimula ang registration sa July 22-31.

USM Radio Station, nagdiriwang ng ika-7 Anibersaryo ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Ipinagdiriwang na USM Radio Station o mas kilala bilang DXVL Kool 94.9 FM ang kaniyang ika-pitong anibersaryo ngayong araw. Taong 2006 nang pormal na pasinayaan ang istasyon sa pangunguna ni dating USM President Virgilio G. Oliva at noo’y CAS Dean Dr. Anita Tacardon na siya ngayong station manager ng istasyon.

Mula sa dating tagline na EXTRA KASAMA, nagsimula ipakilala ng DXVL FM ang kakaibang istilo at bagong mukha ng FM station sa makabagong panahon kung saan pinagsasabay ang paghahatid ng mga makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng mga programa at promotions nito gaya na lamang ng BALitang Kool na dating Extra Knowledge-On-Air, utak bulinaw, atbp.

Binata, patay sa pamamaril

(Kidapawan City/ July 17, 2013) ---Patay ang 25 anyos na binata makaraang pagbabarilin ng suspek sa may Villamarzo Street sa Kidapawan City, alas 6:45 kagabi.

Kinilala ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Eric Ganzon Comania tubong Davao city.

Sa inisyal na pagsisiyasat tatlong tama ng bala sa ulo at leeg ang tumapos sa buhay ng biktima.

“No Plate, No Travel Policy”, isinusulong ng bagong hepe ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 17, 2013) ---Matapos na ipatupad ng bagong hepe ng Kabacan PNP ang “No Plate no travel Policy” agad na naka-impound ang mga ito ng 3 motorsiklo na walang mga plaka.

Ang pagkakakumpiska ng tatlong motorsiklo ay nahuli kahapon ng madaling araw sa oplan sikpaw, oplan sita at sa nagpapatuloy na operation kapkap bakal ng Kabacan PNP na pinangungunahan ng bagong chief of Police ng Kabacan MPS na si PCInsp. Jordine Maribojo.

Dagdag na sasakyan ng PNP Kabacan, hiniling ng kasapi ng MPOC

(Kabacan, North Cotabato/ July 17, 2013) ---Ipinanukala ni Councilor Jonathan Tabara, may hawak ng Committee on finance ng Sanggunian ang kahilingan na magpasa ng resolution ang Sangguniang bayan ng Kabacan na mabigyan ng bagong sasakyan ang Kabacan PNP.

Ang nasabing panukala ay ipinapayo ni P/Supt. Noel Kinazo, ang Deputy Provincial Director for Operations ng Cotabato Provincial Police Office matapos na mabigyan ng bagong Patrol Car ang Pigcawayan PNP.

Kabacan MPS, may bago ng Chief of Pulis

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2013) ---Itinalaga bilang bagong Chief of Police ng Kabacan Municipal Police station si PCInsp. Jordine Maribojo.

Pormal ng nagsimula ang panunungkulan ng opisyal ngayong araw bilang hepe ng Kabacan PNP kungsaan ipinakilala ang opisyal sa kauna-unahang peace and order council meeting na ipinatawag ni Mayor Herlo Guzman, Jr ngayong hapon.

Pagmamantina ng Peace and Order, isinusulong ng bagong Alkalde ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2013) ----Dapat umanong magtulungan at kalimutan na ang pulitika dahil tapos na ang eleksiyon, ito para sa ikabubuti ng bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Kabacan Mayor Herlo “Jojo” Guzman, Jr., sa kauna-unahang Peace and Order Council Meeting ngayong hapon.

Mga pamilyang naapektuhan ng engkwentro ng BIFF at military, unti-unti ng bumabalik

(Pikit, North Cotabato/ July 16, 2013) ---Unti-unti ng bumabalik sa kanilang mga tahanan ang ilang pamilyang naapektuhan sa engkwentro sa pagitan ng  Bangsmoro Islamic Freedom Fighters at militar sa Paidu Pulangi,Pikit North Cotabato, noong nakaraang linggo.

Ito ang ipinahayag ni Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Tahira Kalantongan.

Turismo ng North Cotabato, pinapalakas

(Amas, Kidapawan City/ July 16, 2013) ---Pinapalakas ngayon ng Provincial Government ng North Cotabato ang turismo ng probinsiya.

Ito matapos na nagbukas na ang Eco-Adventure Park at ang pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa Barangay New Israel sa bayan ng Makilala, na ayon sa report, ito ang pinakabagong tourist destination na naidagdag sa Soccsksargen Region.

Mahigit 100 mga motorsiklo, nakumpiska sa isinagawang lambat Bitag ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 16, 2013) ---Abot sa 138 motorsiklo na walang plaka ang nakumpiska sa isinagawang Oplan Lambat Bitag ng Kabacan PNP nitong linggo.

Ayon kay Kabacan PNP Chief Inspector Jubernadin Panes, ito ang naging bunga ng kanilang implementasyon sa nasabing programa upang mapigilan ang mga motoristang bumibiyahe ng walang plaka.

Kabubukas na Public Terminal ng Midsayap, isinara sa Publiko

(Midsayap, North Cotabato/ July 16, 2013) ---Kung si Midsayap Mayor Romeo Araña ang tatanungin, pansamantala lamang umano ang pagsasara ng kabubukas na Public terminal sa Barangay Sadaan sa bayan ng Midsayap.

Ito habang pinag-uusapan pa kung magkano ang ilalaang pamasahe sa mga tricycle na bumabiyahe mula sa sentro ng Midsayap patungo sa Sadaan Terminal.

Militar at NPA nagka-engkwentro sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ July 15, 2013) ---Nagkasagupa ang mga tropa ng 57th IB Scout platoon at abot sa tatlumpong pinaniniwalaang miyembro New People’s Army sa Sitio Kisimbit, Barangay Manobo, Magpet, North Cotabato alas diyes ng umaga kahapon.

Ayon sa report, nagsasagawa ng military operation ang mga sundalo nang makasalubong nila ang grupo ng Southern Regional Command ng NPA na pinamunuan ni Kumander Ryan Pitao.

Rural access projects ipatutupad sa Unang Distrito ng North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 15, 2013) ----Abot sa siyam na Rural Access Projects ang nakatakdang ipatupad sa mga bayan ng Aleosan, Pikit, at Libungan sa unang distrito ng North Cotabato sa pangunguna ng Department of Agrarian Reform o DAR.

Kaagapay ng DAR sa implementasyon nito ay ang Department of Agriculture o DA.

North Cotabato, muling nilindol

(Carmen, North Cotabato/ July 15, 2013) ---Muli na namang ginulantang ng malakas na pagyanig ng lindol ang mga barangay sa bayan ng Carmen, North Cotabato, partikular na ang brgy. Kimadzil at Kibudtungan matapos na tumama ang 5.2 magnitude na lindol alas 9:28 kaninang umaga.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumama ang sentro ng lindol 14 na kilometro hilaga ng Carmen na may lalim na 2 kilometro at tectonic ang pinagmulan o ang paggalaw ng faultline.

5.2 na magnitude na lindol; yumanig sa Carmen, north cotabato

(Kabacan, North cotabato/ July 15, 2013) ---Muling niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Carmen, North cotabato ngayong alas 9:28 ng umaga.

Sa report ng DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang sentro ng lindol ay nasa 12 kilometro ng hilagang bahagi ng Carmen.

Sariling franchise para sa COTELCO- PPALMA isusulong

(Midsayap, North cotabato/ July 14, 2013) ---Positibo ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco- PPALMA na matatalakay ngayong araw sa ika- 31 Annual General Membership Assembly ng kooperatiba ang pagnanais nitong humiwalay mula sa Cotelco- Main na nakabase sa Matalam, North Cotabato.

Sa pagpupulong kamakailan ng PPALMA Multi- Sectoral Electrification Advisory Council ay napagkasunduang hilingin sa Cotelco general assembly na payagan ang Cotelco-PPALMA na kumuha ng sarili nitong legislative franchise.