(Amas,
Kidapawan City/ July 16, 2013) ---Pinapalakas ngayon ng Provincial Government
ng North Cotabato ang turismo ng probinsiya.
Ito matapos
na nagbukas na ang Eco-Adventure Park at
ang pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa Barangay New Israel
sa bayan ng Makilala, na ayon sa report, ito ang pinakabagong tourist
destination na naidagdag sa Soccsksargen Region.
Sa ngayon bukas na ang zipline sa publiko, matapos na sumailalim
sa mahabang training ang mga staff nito.
Ang zipline ay pangangasiwaan ng Public Affairs, Assistance,
Tourism and Sports Development Division (PAATSDD) ng Office of the Provincial
Governor.
Bukod sa nabanggit , maituturing din na isa sa tanyag na tourist
spot ay ang Asik-Asik Spring Falls, na makikita sa bayan ng
Alamada.
Ang bagong pinasinayaang land mark ng fort Pikit, sa bayan ng
Pikit, ang dinadayong Mt. Apo, Pisan Cave ng Kabacan at ang water rafting sa
bayan ng Alamada.
Para malaman ang numero ng mga pumupuntang turista kada taon,
nagsagawa naman ang PAATSDD ng serye ng orientations on tourism statistics sa
tatlong mga magkakahiwalay na lugar.
Sinabi ni Cot. Gov. Lala Mendoza na ang nasabing training ay
naglalayong hikayatin ang mga nasa sektor ng kalakal na suportahan ang tourism
industry ng probinsiya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento