Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dagdag na sasakyan ng PNP Kabacan, hiniling ng kasapi ng MPOC

(Kabacan, North Cotabato/ July 17, 2013) ---Ipinanukala ni Councilor Jonathan Tabara, may hawak ng Committee on finance ng Sanggunian ang kahilingan na magpasa ng resolution ang Sangguniang bayan ng Kabacan na mabigyan ng bagong sasakyan ang Kabacan PNP.

Ang nasabing panukala ay ipinapayo ni P/Supt. Noel Kinazo, ang Deputy Provincial Director for Operations ng Cotabato Provincial Police Office matapos na mabigyan ng bagong Patrol Car ang Pigcawayan PNP.

Ang sulat kahilingan ay ipapadala kay DILG secretary Mar Roxas.

Umaasa naman si Kinazo na matutugunan ang nasabing kahilingan.

Si Kinazo ang nag-represinta kay SSupt. Danilo Peralta Provincial Director ng Cotabato PNP sa MPOC meeting kahapon.

Sa kanyang pag-uulat sinabi nitong ang Kidapawan City at ang Kabacan ang may mataas na crime index nitong mga nagdaang taon batay sa pinakahuling crime statistics na inilabas ng kanilang tanggapan.

Ang nasabing ulat ay posibleng makakaapekto sa takbo ng kalakalan at negosyo sa nasabing lugar.


Aniya, 2011-nakapagtala ang Kabacan ng 13 carnapping incidents; habang 2012 26 carnapping incidents; 2011-8 shooting incidents, 2012-25 shooting incidents; 2011-8 kaso ng nakawan, 2012-28 kaso ng nakawan at 12 kaso ng robbery 2011 tumaas naman ang robbery kungsaan nakapagtala sila ng 20 kaso ng robbery 2012. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento