Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cargo Truck, hinold-up sa Datu Montawal, Maguindanao; 2 suspek nasakote

(Datu Montawal, Maguindanao/ July 19, 2013) ---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng mga militar at pulisya ang dalawa katao na responsable sa pang-hohold-up na nangyari sa Brgy. Pagagawan, partikular sa National Highway ng bayan ng Datu Montawal, Maguindanao alas 11:23 ng gabi kamakalawa.

Sa report ni Lt. Benjamin Peralta ng Philippine Army tinatahak umano ng Isuzu Elf Cargo Truck ang nasabing kahabaan at pagdating sa nabanggit na lugar ay pinara ng dalawang tao at hinold-up ang nasabing sasakyan.

Nakuha mula sa mga biktima ang abot sa P30 libung piso, ayon sa report.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga elemento ng Datu Montawal MPS na pinamumunuan ni PInsp. Pajaro at 1Lt. Larry Valdez ng 7th IB na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek.

Kinilala ang mga salarin na sina Wabi Saindal Tampaling, 37 at Kadaffi Kalipungan Maida, 35 kapwa residente ng mga nabanggit na lugar.

Rekober mula sa mga suspek ang 1 revolver magnum 357, smith and Wesson na may 12 rds live ammos, 1 kalibre .45 na pistol at isang motorcycle Kawasaki 125 na may license plate MY 4955.

Nagtamo naman ng sugat ang biktima sa ulo na kinilalang si Nasrudin Tingco, 20-anyos, truck helper at residente ng Cotabato City.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa bahay pagamutan para mabigyan ng karampatang lunas.
Sa ngayon inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa mga suspetsado. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento