(Tulunan, North Cotabato/ July 19, 2013) ---Napaaga
ang salubong kay kamatayan ng isang 61-anyos na brgy kagawad makaraang barilin
ng mismong Barangay Kapitan sa brgy. Damawato, Tulunan, North Cotabato alas
8:00 kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si
Federico Supat, nangungunang konsehal ng barangay habang kinilala naman ang
suspek na si Gilberto Espilita, Kapitan ng nabanggit na lugar.
Nabatid na binaril ang biktima sa mismong
araw ng kanyang kaarawan.
Nagkaroon umano ng kaunting kasiyahan sa
brgy. Hall dahil kaarawan ng biktima nagkainuman, pero nagkaroon ng mainitang
pagtatalo at bigla na lamang umalingawngaw ang putok ng baril.
Bulagta agad ang biktima matapos binaril ng
suspek na mismong kapitan ng brgy.
Mabilis na isinugod ang brgy. kagawad sa
pinakamalapit na bahay pagamutan pero ideneklarang dead on arrival ng mga
attending physician.
Kalabuso naman ang Kapitan sa Tulunan Lock-up
cell habang inihahanda na ang kaso laban sa kanya.(Rhoderick Beñez with report from Ronald Padojinog)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento