Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 10 motorsiklo, naka-impound sa Kabacan PNP sa pagpapatupad ng “No Plate, No travel Policy”

(Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Abot sa mahigit sampung mga motorsiklo ang naka-impound kahapon sa Kabacan Municipal Police Station sa mas pinahigpit na pagpapatupad ng “No Plate, No Travel Policy” ng Kabacan PNP.

Mismong si PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nanguna sa pagsita sa mga motoristang walang plaka at walang kaukulang dokumento na bumibiyahe sa mga pangunahing kalye ng Poblacion.Sinabi ng opisyal sa DXVL Radyo ng Bayan na malaking hapon sa kanya ang peace and order ng bayan.

Kaugnay nito, para matugunan ang lumalalang kaso ng kriminalidad sa bayan, agad na nag organisa ng team ang opisyal sa kanyang mga tauhan, ito ang patrol team, mobile patrol team at check point team.

Matapos na maorganisa ang nasabing grupo ay kanyang ipinatupad ang kanilang trabaho sa tulong naman ng mga sundalo at ilang units, ayon kay Maribojo.

Nananawagan naman ang opisyal ng kooperasyon ng mamamayan na tulungan sila sa kanilang kampanya na pababain ang anumang kriminalidad sa bayan kung di man ito tuluyang matuldukan, ito matapos na nagpahayag na rin ng kanyang buong suporta si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., katuwang ang militar. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento