Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Radio Station, nagdiriwang ng ika-7 Anibersaryo ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 18, 2013) ---Ipinagdiriwang na USM Radio Station o mas kilala bilang DXVL Kool 94.9 FM ang kaniyang ika-pitong anibersaryo ngayong araw. Taong 2006 nang pormal na pasinayaan ang istasyon sa pangunguna ni dating USM President Virgilio G. Oliva at noo’y CAS Dean Dr. Anita Tacardon na siya ngayong station manager ng istasyon.

Mula sa dating tagline na EXTRA KASAMA, nagsimula ipakilala ng DXVL FM ang kakaibang istilo at bagong mukha ng FM station sa makabagong panahon kung saan pinagsasabay ang paghahatid ng mga makabuluhang impormasyon sa pamamagitan ng mga programa at promotions nito gaya na lamang ng BALitang Kool na dating Extra Knowledge-On-Air, utak bulinaw, atbp.


Di rin pahuhuli ang istasyon pagdating sa mga balita kung saan sa kabila ng maliit na bilang ng mga empleyado nito ay nakikipagsabayan ang istasyon sa paghahatid ng mga balita katuwang Philippine Information Agency 12 s Koronadal City.

Kung musika naman ang pag-uusapan, hindi maiitatannging laging mas una ang istasyon pagdating sa mga bagong kanta. At kung entertainment, simula nitong nakalipas na taon, mas lalong pinalakas ng istasyon ang paghahatid nito ng Saya kasama ng tatlog makulit at tinaguriang RNB Trio na sina Bloopers Tonio, Marcus Gomez, at Oliver Twist.

Naging kaagapay naman ng bayan para sa impormasyon at balita sina Rhoderick Beñez, Irah Plaencia-Gerlacio, at Allan Guleng Dalo . At sa layuning mapag-ibayo ang paghahatid ng serbisyo at ang matamang pagsunod sa broadcast standards, lehetimong mga kasapi ang mga ito ng Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas o KBP, ang pinakamalaking organisasyon ng mga mamamahayag sa radio at telebisyon sa buong bansa.

Ang DXVL FM ay  nagsisilbing giant laboratory para sa mga Development Communication students ng pamantasan kung saan habang nag-aaral pa ay panay na ang training ng mga ito upang maihanda sila sa pagpasok sa real world. Dito, sinasanay ang mga estudyante sa pagkalap at paghahatid ng mga balita at impormasyon. Kamakailan lamang, binuo ng Production Department ang Malamig Productions kung saan ito ay pinagtutulungang itaguyod ng mga junior at senior DevCom Students. Layon nito na sanayin ang mga ito sa pagsulat at pagproduce ng mga radio materials, gaya ng radio drama sa Love Notes with Oliver Twist, radio developmental plugs, commercials, atbp.

Sa loob ng pitong taon, naging kaagapay ng mga negosyante sa bayan at lalawigan sa pagpapakilala ng kanilang produkto sa higit na mas mababang halaga. Ito’y matapos na aprubahan ng USM Borad of Regents ang pagpapahintulot sa istasyon ng tumanggp ng mga advertisers.

Panay din ang pakikipag-ugnayan ng himpilan sa mga government line agencies mula ditto sa bayan, lalawigan at rehiyon para sa mga mahahalagang imposmasyon na dapat malaman ng bawat Pilipino. Mandato nito bilang isa sa mga istasyong nasa ilalim ng Radyo ng Bayan- Philippine Broadcasting Service na ihatid ang mga pinahuling balita mula sa pamahalaan.

Malugod namang ipinaabot ng istasyon ang pasasalamat nito lalo na sa mga tagapakinig nito n siyang nagsisilbing inspirasyon sa pagbo-broadcast. (Allan Dalo)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento