Nagpadala na ng tulong ang Kabacan Water District para sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro city kaninang tanghali.
Ayon sa pamunuan ng Kabacan Water District kabilang sa mga tulong na kanilang nalikom buhat naman sa mga sponsors at mga may magandang loob na nagbigay ng donasyon kagaya ng used clothing, groceries, sardinas, noodles, milo, biscuits, mga sabon, bigas at marami pang iba.
Nagging sponsors naman ditto ang Mindanao Association of Water Districts, Southern and Central Mindanao Water Information council, Concerned Citizen of Kabacan, Oro Resto, Eden Fresh, Dimagiba Store, Nimpha Sumaguit, Lizzette Agbayani at Bantilan at marami pang iba.
Samantala maging ang pamunuan ng USM Hospital ay umaapela din sa residente ng Kabacan at mga kalapit lugar na may magandang loob na bukas ang ospital ng pamantasan na nais magbahagi ng tulong kagaya ng gamit tulad ng damit at mga gamit sa kusina, musketero, kumot at maging pagkain at tubig.
Ang nasabing mga tulong ay nakatakdang dalhin sa Cagayan de Oro City sa araw ng Huwebes, disyembre a-22, 2011.
Para sa inyung mga tulong o donasyon dalhin lamang ito sa USM Hospital at hanapin lamang po sina Dr. Priscilo Engkong, Dra Shiela Pelaez at Dr. Jess Paigalan.
Maari din po ninyung ihatid ang inyung tulong dito sa DXVL-Radyo ng Bayan.
Kaugnay nito maging ang Nursing students Association (NSA) mula sa University of Southern Mindanao sa pangunguna ni Carlson Balneg at ng Local Student Government sa pangunguna naman ni Jennifer Pobre ay tumatanggap din ng anumang tulong o donasyon para sa mga naging biktima ng Bagyong Sendong sa Cagayan De Oro City.
Maari nyo pong ibigay ang inyung mga donasyon ditto sa himpilan ng DXVL FM 94.9 kami po ay nasa USM Compound, Kabacan, Cotabato.
Para sa karagdagang impormasyon tumawag lamang pos a telepono bilang (064)- 248-2867.
Samantala, Kasama ang World food Program, isang International Non-government Organization sa pakikipagtulungan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at ng PNP ay nagbigay din ng tulong na abot sa 10 metric ton na mga bigas sa mga biktima ng bagyong sending sa Cagayan de Oro City.
Ito ang sinabi ngayong hapon ni Chief, 6th Division Public Affairs ng 6th ID na si Col. Prudencio Ramos Asto, kungsaan gamit ang mga military assets mula sa Cotabato city ay dinala na ang nasabing mga tulong.
(Col Asto.) si Col. Prudencio Ramos Asto ang chief ng 6th Division Public affairs Office ng 6th Infantry (KAmpilan) Division ng Philippine Army mula sa Camp Siongco, AWang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao (Rhoderick Beñez)