Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Appointment ni Mujiv Hataman bilang OIC ARMM Governor kinuwestyun ng MNLF

ISA umanong malinaw na paglabag sa kasunduan na pinirmahan noong 1996 ng gubyerno at ng Moro National Liberation Front o MNLF ang pag-appoint sa isang opisyal ng ARMM na ‘di nila organic member.
       Ito ang binigyang-diin ni Datu Sukarno Pingguiaman, ang hepe ng National Security Command Striking Force ng MNLF.
       Ayon kay Pingguiaman, si Hataman ay hindi miyembro ng MNLF at ang appointment sa kanya ay paglabag sa 1996 GRP-MNLF final peace pact.
       Paglabag din daw ito sa kasunduan na pinirmahan ng AdHoc High-Level Group na kinabibilangan ng GPH, Organization of Islamic Countries, at ng MNLF sa kanilang tripartite meeting sa bansang Indonesia.
      
       BAGAMA’T kinuwestyun ng MNLF ang appointment ni Hataman, ‘di naman daw ito mangangahulugan na magde-deklara sila ng giyera sa gubyerno.
       Sa ngayon, ayon kay Pingguiaman, ay tungo sa pagkakamit ng kapayapaan ang direksyong tinatahan ng kanilang chairman na si Professor Nur Misuari.
       Ang panawagan ng MNLF sa gubyerno, lalo na sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP, na maging sinsero sila sa implementasyon ng 1996 GPR-MNLF final peace accord. 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento