(Midsayap, North Cotabato/December 22, 2011) --- Isa ang lalawigan ng North Cotabato sa gagawing model- province sa pagsusulong ng Rice Productivity Program. Sa buong bansa, apat lamang na probinsiya ang napabilang sa nasabing programa.
Ito rin ang magandang balita na ipinaalam ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa mga magsasaka, ito ayon sa report ni PPALMA News Stringer Roderick Bautista.
Sa kanyang mensahe sa mga kasapi ng irrigators association sa unang distrito ng lalawigan, binigyang- diin ni Cong. Sacdalan na malaki ang tiwala ng gobyerno sa mga magsasaka ng North Cotabato.
Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito ay matutunan ng mga magsasaka ang maging entrepreneur o negosyante. Sinisikap din umano ng kasalukuyang gobyerno na ma- i- angat ang estado ng mga magsasaka at makawala sa sistema ng 5-6.
Hinikayat din ng opisyal ang mga IA members na panatilihin ang mataas na tiwalang ipinapakita ng gobyerno upang mas madagdagan pa ang mga programang ibinubuhos sa North Cotabato tungo sa layuning makamit ang food self- sufficiency sa bansa.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento