MILF at Militar kapwa iginagalang ang pagpapatupad ng SOMO ng administrasyong Aquino ngayong kapaskuhan
(Kabacan/ December 21, 2011) --- Kapwa naghayag ng paggalang ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front at ang militar sa pagpapatupad ng Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) o ceasefire ng Pangulong Benigno Aquino III ngayong panahon ng kapaskuhan.
Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay MILF spokesperson Von Alhaq sinabi nitong simula’t mula ay iginagalang din ng kanilang pamunuan ang nasabing ceasefire, hindi lamang ngayong panahon ng kapaskuhan kundi noon pang ipinatutupad itong tigil putakan sa pagitan ng GPH at ng MILF.
Giit naman ng opisyal na mahigpit silang tumatalima sa nasabing usapin habang patuloy na umuusad itong usapang pangkapayapaan.
Kaugnay nito, sinabi naman sa DXVL-Radyo ng Bayan ni 6th Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Ramos Asto na nakabase sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na sumusunod naman sila sa ipinapatupad ng Commander in chief na Suspension of Offensive Military Operations (SOMO).
Kung matatandaan inaprubahan ksi ni Pangulong Pnoy ang labin walong araw mula December 16 na Ceasefire sa NPA hanggan sa Enero a-dos.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento