Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang bahagi ng Mindanao, sunod-sunod na niyanig ng lindol; 5.0 Magnitude na lindol tumama sa Kidapawan City

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2014) ---Sunod sunod na niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng South Central Mindanao ngayong araw.

Ayon sa latest Bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs unang inuga ng lindol ang bayan ng Makilala kungsaan niyanig ito ng 4.4 magnitude alas 5:59 ng madaling araw kanina.

May lalim na isang kilometro ang nasabing pagyanig kungsaan tectonic ang pinagmulan.

Mga magsasakang naapektuhan ng pagbaha nabigyan ng 430 bags na Certified Palay Seeds mula sa Provincial Government ng Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2014) ---Abot sa 568 mga magsasaka ang naapektuhan ng nakaraang mga pagbaha sa bayan ng Kabacan kungsaan ang ilan sa mga ito ay mabibigyan ng binhi mula sa Cotabato Provincial Government.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Kabacan Municipal Agriculturist Sassong Pakkal matapos na maapektuhan ang siyam na mga barangay sa bayan ng nasabing pagbaha nitong a-29 ng Agosto.

NGCP, pinasalamatan ng ilang mga mag-aaral ng barangay sa bayan ng Pikit, Cotabato sa pagbibigay ng bagong silid aralan

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, North Cotabato/ September 19, 2014) ---Lubos na pinasalamatan ng mga mag-aaral, guro at ilang mga residente ng Sitio Baruyan, Nalapakan, Pikit, Cotabato ang bagong silid aralan na ibinigay ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Ito ang naging pahayag ni Datu Tumindeg Sultan Memorial Elementary School Head Abo Halil Karudi sa isinagawang turn-over ceremony ng nasabing paaralan nitong umaga ng September 18.

Aniya malaki ang pasasalamat nito sa NGCP, bukod sa pagbibigay ng kalidad na transmission sa kuryente ay kanila ding tinututukan ang ilang mga panlipunang serbisyo.

Food packs ipinamahagi sa mga biktima ng baha sa Midsayap, North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 18, 2014) ---Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Midsayap at opisina ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang pamamahagi ng food packs sa mga biktima ng baha dito sa bayan dulot ng malakas na ulan at pag- apaw ng Rio Grande de Mindanao.

Ginawa ang relief operation nitong September 16- 17, 2014 kung saan abot sa 1938 na food packs ang naipamahagi sa riverside area partikular sa mga barangay ng Kadigasan, Damatulan at Lomopog.

Mga atletang Kidapaweño nag uwi ng medalya mula sa Batang Pinoy Mindanao meet

By: Lloyd K Oasay

(Kidapawan City/ September 18, 2014) --- Nag-uwi ng sampung medalya ang mga atleta ng Kidapawan City mula sa katatapos lamang na Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg meet sa Pagadian City. 

Namayagpag sa Racquet Sports ang mga batang manlalaro ng lungsod na nagkamit ng medalya sa mga events gaya ng Badminton, Lawn at Table Tennis, ayon na rin sa listahang ipinalabas ng City Sports Office.

Kidapawan City dapat isailalim sa State of Calamity – CDRRM

By: Lloyd K Oasay

(Kidapawan City/ September 18, 2014) ---Inirekomenda ng CDRRMC na isailalim sa State of Calamity ang Kidapawan City mula sa kasiraang dulot ng malakas na ulan at pagbaha noong gabi ng September 11.

Ito ang siyang napagkasunduan ng mga kasapi ng City Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang pagpupulong kanina. 

Pagkakaisa ng Tri-People sa Cotabato tema ng itinatayong provincial museum

By: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (Sep  18) – Sa layuning maipakita ang mabuting samahan ng mga Lumad, Muslim at Kristiyano sa lalawigan ng Cotabato, magiging tema ng itinatayong provincial museum ang pagkakaisa ng Tri-People.

Ito ang resulta ng 3-araw na Training and Workshop on Provincial Museum Conception na ginanap sa Annex Building, Provincial Capitol mula Sep. 16-18, 2014.

LGU Kabacan, tumatanggap na ng Remittance ng Philhealth Premiums

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 18, 2014) ---Bukas na hindi lamang sa mga taga-Kabacan kundi maging sa mga kalapit na lugar ang Treasurer’s Office ng LGU Kabacan para tumanggap ng bayad sa Philhealth.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Councilor Ayesha Quilban, may hawak ng Committee on Health and Sanitation sa Sangguniang Bayan kasabay ng isinagawang orientation kahapon.

Bahay ng ginang, hinagisan ng granada sa Arakan Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Arakan, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Isang Granada ang sumabog sa Sitio Kamangahan, Arakan, North cotabato alas 8:00 kagabi.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP, sinasabing inihagis ang nasabing Granada ng di pa nakilalang suspek sa pamamahay ng isang Susan dela Rosa Seminilla, 44-anyos, may asawa at resident eng nasabing lugar.

3 katao, sugatan sa strafing incident sa na nangyari sa Pedtad, Kabacan, Cotabato; mga residente sa isang sitio sa nasabing barangay nagsilikas na!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Tatlo ang sugatan sa nangyaring pamamaril ng pinaniniwalaang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Sitio Ladao, Barangay Pedtad, Kabacan Cotabato Lunes ng gabi.

Ayon kay Barangay Pedtad Chairman Romeo Mantawil sa panayam ng DXVL kahapon, nasa DMC ngayon ang isang 4 na taong gulang na batang batae na hindi pinangalanan matapos na matamaan umano sa balikat at nadaplisan sa ulo, at nasa kanyang pangangalaga rin ang dalawa katao na tinamaan rin sa naturang pamamaril.

Final coordination meeting para sa EJOW ginanap sa Provincial Capitol kahapon

By: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (Sep 16) – Halos plantsado na ang gagawing Enhance Justice On Wheels o EJOW sa lalawigan ng Cotabato sa Sep. 25, 2014.

Ito ay matapos ang final coordination meeting na ginanap sa Rooftop ng Provincial Capitol Building kahapon.

Sina Hon. Judge Lily Lydia A. Laquindanum ng Regional Trial Court Branch 24 na nakabase sa Midsayap, Cotabato, Overall Co-Chairman ng EJOW at Jessie Enid, Provincial Focal Person for Legal Affairs ang nanguna sa naturang meeting.

1 taong gulang na bata, patay matapos na tamaan ng pinaniniwalaang tigdas

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng pamunuan ng Rural Health Unit ng Kabacan kung tigdas nga ba ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong gulang na bata sa Sitio Guisawaan, Brgy. Nangaan, Kabacan Cotabato.

Kinilala ng RHU Kabacan ang biktima na si Nasrudin Dagandal Lumambas, isang taon at anim na buwang gulang, Muslim at residente ng naturang barangay.

3 pulis sugatan sa engkwentro sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Tatlong miyembro ng Special Action Force ng PNP ang nasugatan makaraang makasagupa ang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Sitio Bantaan, Barangay Bagumbayan sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Magpet PNP nagsagawa ng clearing operation ang pangkat ng PNP sa pamumuno ng P/Inspector Efren Cogasi nang makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army na pinamumunuan ni Kumander Joseph ng Guerilla Front 53.

Kampanya, kontra talamak na illegal na sugal sa Matalam, Cotabato; tinututukan ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Isang 32-anyos na Ginang ang panibagong naaresto ng Matalam PNP dahil sa illegal na sugal na mas kilala sa tawag na last two.

Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP natiklo si Mizy Boliver sa brgy. Poblacion ng Matalam, kahapon ng umaga.

Lalaki, patay sa pamamaril sa Cotabato city

(Cotabato City/ September 16, 2014) ---Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa bahagi ng Jose Lim, Poblacion 6 Cotabato City alas 5:20 ng hapon kahapon.

Kinilala ng City Police Station 1 ang biktma na si Salik Kasim, residete ng nasabing barangay.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Magsasaka, patay makaraang ratratin ng riding tandem sa Carmen, North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ September 16, 2014) ---Pinabulagta ng riding in tandem assassins ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga ito sa Sayre National Highway, Ugalingan, Carmen, North Cotabato mag-aalas tres kahapon ng hapon.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Salman Rahim Padi alyas Tablawe Pasi, 28 anyos, binata, magsasaka at residente ng Sitio Dungguan, Barangay Ugalingan, Carmen Cotabato.

Power Hike sa Mindanao, naka-amba na naman?

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2014) ---Posibleng magtataas na naman ang singil sa kuryente sakaling maipatupad itong administrator sa mga power supply.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni COTELCO Spokesperson Vincent Baguio matapos lumabas ang balitang ililipat na sa pribadong kompanya ang pamamahala ng power output mula sa Mindanao 1 at 2 power plant sa Mt. Apo.

Presyo ng Bigas sa Kabacan, tumaas ng P1/kilo

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2014) ---Matapos na umakyat ng P20 kada sako sa kanilang inaangkatan ay tumaas na rin ng P1/kilo ang presyo ng bigas ditto sa pamilihang bayan ng Kabacan nitong lingo lamang.

Ayon kay Mr. Reynant Maganaka, may ari ng isa sa mga nagtitinda ng bigas sa Kabacan Public Market. Nagtaas nga sila ng presyo nitong lingo lamang.

11 katao, na biktima ng food poisoning sa Bayan ng Kabacan, nakarekober na!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2014) ---Unti-unti ng nakakarekober ngayon ang isang pamilya na nabiktima ng food poisoning sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay disease surveillance coordinator Honey Joy Cabellon na nakaramdam ng agsusuka, pagtatae, at sakit sa tiyan ang inabot ng isang 1 katao matapos na kumain umano ng isdang Pirit noong Setyembre a-10 .

3 kaso ng Leprosy o ketong na monitor ng RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 15, 2014) ---Tatlo katao ang naiulat na nagpositibo sa sakit na ketong o leprosy sa bayan ng Kabacan.

Ito ang napag-alaman mula kay leprosy coordinator Ruth Pasion ng RHU Kabacan sa panayam ng DXVL News.

Batay sa ulat 2 dito ang mula sa Brgy. Dagupan at 1 naman ang mula sa brgy. Bannawag.

Renewable Energy Summit pinangunahan ng PGCot

by: JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (Sep 11) -  Upang mapag-alaman ang kasalukuyang kalagayan ng kuryente sa lalawigan ng Cotabato at kung ano ang mga maaaring gawin upang masolusyunan ang lumalalang power outages at brownouts, ginanap ang isang Renewable Energy Summit sa Rooftop ng Provincial Capitol Building noong Sep. 10, 2014.

Pinangunahan mismo ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang naturang summit na dinaluhan ng mga stakeholders ng power and energy sector.

10 mga Agricultural Extension Workers sa NotCot wagi sa DA-NQCAA

by: JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (Sep 10) – Sampung mga Agricultural Extension Workers o AEW’s mula sa lalawigan ng Cotabato ang bibigyang parangal sa National Quality Corn Achievers Awards ng Dept. of Agriculture o DA-NQCAA sa Limketkai Hotel, Cagayan de Oro City sa Oct. 22, 2014.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia J. Datukan, ang sampung mga AEW’s ay kabilang sa iba pang mga nagwagi sa patimpalak ng DA na naglalayong bigyan ng recognition ang mahusay na pagtatanim at produksiyon ng mga magsasaka sa bansa.

Pagkawala ng isang dalaga sa Kidapawan City ikinabahala ng ina, kapatid

(Kidapawan City/ September 15, 2014) ---Tatlong araw nang nawawala sa Kidapawan City ang 16-taong gulang na dalaga na si Gladys Belmonte, second year college na kumukuha ng Bachelor of Science in Education sa isang pribadong kolehiyo sa lungsod.

Kwento ng ina’ng si Germelyn, huling nakita nila ang anak bandang alas-10:30 ng umaga noong a-10 ng Setyembre.

Paghahandog ng DXVL ng School Supplies na proceeds ng “Takbo para sa batang Kabakenyo” sa mga mag-aaral ng Kilagasan Elementary School, naging matagumpay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/

September14, 2014) --- Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng mga guro lalong lalo na ng mga mag aaral ng Kilagasan Elementary School kasama ang kanilang mga magulang sa mga school supplies na ipinamahagi ng DXVL Kool FM sa isinagawang “Takbo para sa batang Kabakenyo” ang paghahandog kaninang umaga.

Dinaluhan ng mga guro, PTA Officials, mga estudyante, Barangay officials ng Brgy. Kilagasan at mga magulang ng mga mag aaral ang programa kaninang umaga kung saan ay bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa pagpili sa kanilang paaralan na paghandogan ng proceeds ng fun run for a cause na pinamagatang “Takbo para sa batang Kabakenyo” na parti ng ikawalong taong anibersaryo ng DXVL FM noong nakaraang July 17 nitong taon lamang.