Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Paghahandog ng DXVL ng School Supplies na proceeds ng “Takbo para sa batang Kabakenyo” sa mga mag-aaral ng Kilagasan Elementary School, naging matagumpay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/

September14, 2014) --- Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng mga guro lalong lalo na ng mga mag aaral ng Kilagasan Elementary School kasama ang kanilang mga magulang sa mga school supplies na ipinamahagi ng DXVL Kool FM sa isinagawang “Takbo para sa batang Kabakenyo” ang paghahandog kaninang umaga.

Dinaluhan ng mga guro, PTA Officials, mga estudyante, Barangay officials ng Brgy. Kilagasan at mga magulang ng mga mag aaral ang programa kaninang umaga kung saan ay bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa pagpili sa kanilang paaralan na paghandogan ng proceeds ng fun run for a cause na pinamagatang “Takbo para sa batang Kabakenyo” na parti ng ikawalong taong anibersaryo ng DXVL FM noong nakaraang July 17 nitong taon lamang.





Ayon kay DXVL Station Manager Allan G. Dalo sa kanyang talumpati sa programa, Ang araw-araw na pagharap at pagsasalita sa pamamagamitan ng mikropono at himpapawid ay hindi isang karangalan, kundi, isang oportunidad na makagawa at makahikayat at manguna para sa isang tunay na serbisyo para sa publiko. Hindi lamang sa pagbabalita, pagbabahagi ng makabuluhang impormasyon, at entertainment, kundi sa aksiyon.



 Ayon naman kay Kilagasan 
Elementary School Principal Pidesa Gura, malaking tulong umano ito sa mga estudyante ng kanilang 
paaralan. DXVL News!




0 comments:

Mag-post ng isang Komento