(Matalam, North Cotabato/ September 17, 2014) ---Isang
32-anyos na Ginang ang panibagong naaresto ng Matalam PNP dahil sa illegal na
sugal na mas kilala sa tawag na last two.
Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP natiklo
si Mizy Boliver sa brgy. Poblacion ng Matalam, kahapon ng umaga.
Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang ilang gambling
paraphernalias at cash na nagkakahalaga ng P170.00.
Sa ngayon nasa kustodiya ng Matalam PNP ang ginang
habang nagpapatuloy naman ang kampaya kontra talamak na illegal na sugal sa
bayan ng Matalam.
Samantala, naiturn-over na sa Matalam PNP ang bagong
sasakyan nito.
Ang nasabing service vehicle ay isang Isuzu DMAX 4X4.
Mismong si Mayor Oscar Valdevieso ang nag turn over ng
susi ng nasabing service vehicle kay PCI Elias Diosma Colonia.
Sinaksihan din ang nasabing seremonya ng mga heads of
Office ng Matalam. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento