Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11 katao, na biktima ng food poisoning sa Bayan ng Kabacan, nakarekober na!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2014) ---Unti-unti ng nakakarekober ngayon ang isang pamilya na nabiktima ng food poisoning sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay disease surveillance coordinator Honey Joy Cabellon na nakaramdam ng agsusuka, pagtatae, at sakit sa tiyan ang inabot ng isang 1 katao matapos na kumain umano ng isdang Pirit noong Setyembre a-10 .


Kinilala ng RHU kabacan ang mga biktima na sina Mr. & Mrs. Pablo Cabaron at ang kanilang 9 na anak na residente ng Sinamar 2, Poblacion , Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report ay gabi umano ng Setyembre a 9 ng kinain ng pamilya ang binili nilang isda at Sityembre a 10 nga ng umaga ng maramdaman ng buong pamilya ang pagsusuka, pagtatae at sakit sa tiyan..

Gumaling din umano makaraan ng ilang oras si Mr. & Mrs. Cabaron at mga nakakatandang anak maliban sa dalawang bunso ng pamilya na sina Jeffrey Cabaron, dalawang taong Gulang at Pearl Cabaron limang buwang gulang na sanggol.

Isinugod naman ang mga ito sa bahay pagamutan kung saan ay inaasahan na ang paggaling ng dalawang batang biktima.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento