Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Food packs ipinamahagi sa mga biktima ng baha sa Midsayap, North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 18, 2014) ---Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Midsayap at opisina ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang pamamahagi ng food packs sa mga biktima ng baha dito sa bayan dulot ng malakas na ulan at pag- apaw ng Rio Grande de Mindanao.

Ginawa ang relief operation nitong September 16- 17, 2014 kung saan abot sa 1938 na food packs ang naipamahagi sa riverside area partikular sa mga barangay ng Kadigasan, Damatulan at Lomopog.


Nabatid na nagmula ang nasabing food packs sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office XII sa Koronadal City.

Samantala, kulang pa rin ang tulong na kailangang maihatid sa iba pang mga barangay sa river side area dahil higit 5000 katao ang kabuuang bilang ng nangangailangan ng tulong batay sa ulat ng Municipal Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.

Una nang sinabi ni Rep. Sacdalan na patuloy ang pakikipag- ugnayan ng kanyang tanggapan kay DSWD XII Regional Director Bai Zorahayda Taha para madagdagan pa ang tulong na maipapamahagi sa mga apektado ng baha.








0 comments:

Mag-post ng isang Komento