By: Mark
Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ September
16, 2014) ---Matapos na umakyat ng P20 kada sako sa kanilang inaangkatan ay
tumaas na rin ng P1/kilo ang presyo ng bigas ditto sa pamilihang bayan ng
Kabacan nitong lingo lamang.
Ayon kay Mr. Reynant Maganaka, may
ari ng isa sa mga nagtitinda ng bigas sa Kabacan Public Market. Nagtaas nga
sila ng presyo nitong lingo lamang.
Kung ang dating presyo ng per sako ng
bigas na P1,780/sako, ngayon ay P1,800/sako na. ang dati ring presyo na
P1,800/sako ngayon ay P1,820/sako na.
Ang dating presyo ng Ordinary rice na
P38/kilo ngayon ay P39/kilo, ang masipag na dati P42/kilo ngayon ay P43/kilo
na, ang matatag na dati P37/kilo, ngayon ay P38/ kilo na, ang tonner na dati na
P42/kilo ngayon ay P43/kilo na, ganun na rin sa ibat-ibang Vareity ng Bigas,
tumaas rin ng P1.
Samantala nanatili naman sa dati
nitong presyo ang iba pang mga bilihin sa Kabacan Public Market.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento