Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Renewable Energy Summit pinangunahan ng PGCot

by: JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (Sep 11) -  Upang mapag-alaman ang kasalukuyang kalagayan ng kuryente sa lalawigan ng Cotabato at kung ano ang mga maaaring gawin upang masolusyunan ang lumalalang power outages at brownouts, ginanap ang isang Renewable Energy Summit sa Rooftop ng Provincial Capitol Building noong Sep. 10, 2014.

Pinangunahan mismo ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang naturang summit na dinaluhan ng mga stakeholders ng power and energy sector.

Kabilang sa dumalo at nagbigay ng update report sa summit ang mga representante mula sa Dept. of Energy (DOE), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Power Corporation-Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM), Cotabato Electric Cooperative, Inc. (COTELCO), South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO) at iba pa.

Dumalo rin sa summit ang representante ng Mindanao Development Authority (MINDA).

Ayon sa naturang mga departamento, malaki pa rin ang kakulangan ng supply ng kuryente sa Cotabato Province kung kaya’t nakararanas pa rin ng araw-araw na rotational brownout ang mga konsumedores. 

Tampok rin sa Renewable Energy Summit ang mga opisyal ng naglalakihang Renewable Energy firms na nag-ulat at hinikayat ang lalawigan ng Cotabato na tangkilikin na ang Renewable Energy bilang alternative source of power sa harap na rin ng matinding krisis sa kuryente.

Sa report ni COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez, ang daily demand ng supply ng kuryente para sa Cotabato Province ay abot sa 34.59 megawatts ng kuryente bawat araw.

Nakakakuha naman ng abot sa 11.98 mw ang COTELCO mula sa NPC-PSALM at abot sa 8mw bawat araw o kabuuang 19.98 mw na kukulangin pa ng abot sa 14.61 bawat araw.

Dahil dito, iminumungkahi ni Roger Caldwell, Consultant ng international firm na Amley Energy-Vitagen na nakabase sa Cagayan de Oro City ang paggamit ng alternative power supply partikular ang biogas na siyang produkto ng kanilang kumpanya.


Inaasahan namang magpapatawag muli ng kahalintulad na summit ang Provincial Government of Cotabato sa susunod na mga pagkakataon upang talakayin muli ang mga hakbang na maaaring pang gawin sa paglutas ng krisis sa kuryente. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento