Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa Semana Santa sa Kabacan, plantsado na ng kapulisan; MPOC meeting naman gagawin ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2014) ---Ilang linggo bago ang paggunita ng mahal na araw at buong selebrasyon ng Semana Santa ay nakalatag na ang seguridad ng Kabacan PNP.

Ito ang tiniyak kahapon ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng programang Periodiko Express ng DXVL News.

Transmission Facilities ng NGCP sa Mindanao, nakahanda ngayong Semana Santa

(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2014) ---Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na nakahanda ang kanilang pasilidad sa transmission ng kuryente ngayong Semana Santa.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni NGCP, Regional Corporate Communications & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Capulong dahil ito rin ang mandato ng kanilang kompanya bilang power transmission provider and system operator.

Sa kabila nito, aminado naman ang opisyal na posibleng makakaranas pa rin ng power interruption sa kuryente ang mga taga-Mindanao dahil sa mahigit 100MW ang kulang na kuryente sa Grid batay sa pagtaya hanggang sa katapusan ng buwan.

(Update) Lalaki na aksidenteng nabangga ng service vehicle ng USM, nakilala na

(Matalam, North Cotabato/ April 16, 2014) ---Kinilala mismo ng kanyang ka-live-in partner ang napatay na biktima makaraang aksidenteng mabangga ng service vehicle ng University of Southern Mindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP nakilala ang biktima na si Noli Pulido Gomez, 43 at residente ng Lapu-lapu St., Brgy. Poblacion, Kidapawan City.

51-anyos na magsasaka, patay makaraang mahulog sa sinasakyang Jeep sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 15, 2014) ---Patay ang isang 51-anyos na magsasaka makaraang mahulog sa sinasakyan nitong lawin Jeep sa may kurbadang kalsada ng hangganan ng brgy. Lampayan at Brgy. Sta. Maria, Matalam, North Cotabato alas 12:30 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Noling Rufino, may asawa at residente ng Sitio Layangan, Brgy. Sarayan ng nasabing lugar.

Device para matukoy ang Nitrogen content sa dahon ng palay, naimbento ng mag-aaral ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2014) ---Nagwagi ang imbensiyon ng mga estudyante mula sa College of Engineering and Computing ng University of Southern Mindanao na enhancement of automated Rice Nitrogen Management Device.

Ayon kay Research and Development Director Dr. Ariston Calvo ang nasabing imbensiyon ay wagi sa Development Category sa kauna-unahang USM Student Research, Development and Extension In-House Review na ginanap sa Extension Conference Hall, Extension Building, USM, Kabacan, Cotabato kamakailan.

Kilos Protesta, isasagawa ng mga militanteng grupo sa Kidapawan City

(Kidapawan city/ April 15, 2014) ---Magsasagawa ngayong araw ng isang march rally ang mga progresibong grupo sa mga pangunahing lansangan ng Kidapawan city alas 10:00 ngayong umaga.

Ayon kay North Cotabato Karapatan Secretary General Ernesto Jay Apiag sa panayam sa kanya ng DXVL News na layon ng nasabing kilos protesta ay iparating ang kanilang hinaing hinggil sa lumalalang karapatang pantao na nilalabag ng militar.

Bahay, nailigtas sa sunog sa Kidapawan City

Written by: Malu Cadeliña Manar

(Kidapawan City/ April 15, 2014) ---Nailigtas sa tiyak na sunog ang isang bahay sa ARC Subdivision Phase 4 sa Barangay Paco, Kidapawan City dahil sa maagap na pagresponde ng mga kapitbahay, ala 1:30 kahapon.

Ayon sa ilang kapitbahay na rumesponde, nakarinig sila ng malakas na pagsabog sa loob mismo ng bahay ng isang may apelyidong Mamon. 

BIR District 108, muling nagpaalala nga deadline ngayong araw ng pag-file ng ITR

(Kidapawan city/ April 15, 2014) ---Hanggang alas 5:00 ngayong hapon na lamang ang palugit na ibinigay ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa pagfile ng Income Tax Return o ITR.

Sinabi ni Revenue District Officer Judith Pacana na naglagay na sila ng dagdag na tauhan sa kanilang tanggapan para mapaglingkuran ang pagdagsa ng mga tax payers ngayong araw.

Kampanya laban sa nakaw motorsiklo, mas pinaigting ng Cotabato Police

(Amas, Kidapawan city/ April 12, 2014) ---Aminado si Cotabato Police Provincial Office o CPPO Director Senior Supt. Danilo Peralta na nalulusutan pa rin sila ng mga suspek na responsible sa nakawan ng motorsiklo sa kabila ng kanilang kampanya laban dito.

Aniya, may mga nahuhuli naman silang mga salarin sa nakawan ng motorsiklo kungsaan mas pinaigting nila ang kampanya laban sa pagnanakaw ng motorsiklo sa pamamagitan ng highway checkpoints, surveillance at monitoring at pakikipag ugnayan sa iba pang security forces.

23-anyos na lalaki, huli sa illegal droga sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang 23-anyos na lalaki na pinaniniwalaang tulak droga makaraang matiklo sa may bahagi ng Tomas Claudio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:40 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Patrick Moises Morales Ampatuan, 23, kasado at residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

Mga BPAT/Tanod sa Kabacan, binigyan ng bagong Hand held Radio at mga uniporme

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2014) ---Abot sa labinlimang mga bagong hand held radio ang ipinamahagi sa ilang mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa isinagawang pagpupulong sa mga ito sa Municipal Gymnasium ng LGU Kabacan nitong Sabado.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP maliban sa mga han held radio ay binigyan din ang abot sa 300 mga kasapi ng BPAT at tanod ng bagong uniporme.

Suspected Carnapper, arestado sa kasagsagan ng laban ni Pacquiao sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2014) ---Naghihimas ng malamig na rehas bakal sa Kabacan lock-up cell ang isang suspected carnapper matapos na maaresto ito sa kasagsagan ng laban ni Manny Pacquiao sa isang kalye ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sinamantala ng suspek na si Dao Lapatsing, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao ang paghinto ng mundo dahil sa laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para tangayin sana ang isang motorsiklo.

Lalaki, patay matapos na aksidenteng mabangga ng service vehicle ng USM sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 14, 2014) ---Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki makaraang aksidenteng mabangga ng isang service vehicle ng University of Southern Mindanao sa National Highway ng Kidapawan-Matalam, malapit sa Matalam National Highway partikular sa harap ng Dalandangan residence sa bayan ng Matalam alas 9:15 ng gabi nitong Sabado.

Ayon kay PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP tinatahak ng Toyota Fortuner  na may plate number SKJ 624 ang kahabaan ng National Highway galing ng rutang Davao papunta ng Kabacan ng biglang tumawid ang biktima sa kalsada at aksidenteng nabangga ito.