Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampanya laban sa nakaw motorsiklo, mas pinaigting ng Cotabato Police

(Amas, Kidapawan city/ April 12, 2014) ---Aminado si Cotabato Police Provincial Office o CPPO Director Senior Supt. Danilo Peralta na nalulusutan pa rin sila ng mga suspek na responsible sa nakawan ng motorsiklo sa kabila ng kanilang kampanya laban dito.

Aniya, may mga nahuhuli naman silang mga salarin sa nakawan ng motorsiklo kungsaan mas pinaigting nila ang kampanya laban sa pagnanakaw ng motorsiklo sa pamamagitan ng highway checkpoints, surveillance at monitoring at pakikipag ugnayan sa iba pang security forces.


Sa kabila nito, tumaas pa rin ang kaso ng nasabing krimen dahil na rin aniya sa mataas na sales ng motorsiklo at ang dami nito sa mga lansangan.

Ayon sa ulat, ilan sa mga pinupunterya ng mga kawatan ay ang XRM na motorsiklo.

Batay sa mga intelligence report, ginagamit umano ito ng mga sindikato para gawing makina sa bangkang de-motor para gamiting transportasyon sa kanilang mga epektus kagaya ng shabu na ibinabagsak sa probinsiya galing sa ibang lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento