Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

State of the Nation Address ni P-NoySenate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga butihing miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;At...

Mga PWD’s ng Kabacan, bumida sa paglalaro ng basketball Hindi hadlang ang kapansanan para kay Guadencio Padernal ng Lower Paatan kahit pa man may deperensiya ito sa paa, para makapaglaro ng basketball. Si Ginoong Padernal kasama ang ilan pa sa mga may kapansanan ang bumida sa paglalaro ng basketball kahapon sa Municipal Gymnasium sa programa ng MSWDO Kabacan, LGU, Kabacan Differently Abled Federation para sa paggunita ng ika-33rd National Disability Prevention and Rehabilitation week. Ayon kay Kabacan PWD Focal Person Honey Joy Cabellon sa panayam...

Public hearing hinggil sa pagbabawal na pagpapastol sa mga dayung itik sa bayan ng Kabacan; isinagawa Isinagawa kahapon sa Kabacan Municipal Hall ang public hearing hinggil sa pagbabawal na pagpapastol sa mga dayuhang itik sa bayan ng Kabacan matapos ang diumano’y maraming natatanggap na mga report na karamihan sa mga nagpapastol ng kanilang mga itik ay hindi residente ng bayang ito. Ang nasabing ordinansa ay iniakda ni Councilor Jonathan Tabara, ang may hawak ng Committee on Agriculture sa Sanggunian matapos ang diumano’y mas marami pa umano ang...

Mga umano kwestyunableng ballot boxes mula sa 4 na bayan sa North Cotabato dadalhin na sa Comelec sa kalakhang Maynila LIMAMPU’T DALAWA sa may DALAWANG DAAN AT ANIMNAPUNG mga umano kwestyunableng ballot boxes mula sa apat na mga bayan dito sa lalawigan ng Cotabato ang dadalhin na ngayong Sabado sa central office ng Commission on Elections o Comelec sa Intramuros, Manila para alamin kung may batayan ang alegasyon na ang halalan sa lalawigan ay dinaya. Ang shipment order ay nagmula kay Commissioner Rene Sarmiento ng first division ng Comelec. Ito...

Kilos protesta, ikinasa ng ilang mga mag-aaral ng USM para kalampagin ang pamahalaan sa budget sa USM; pamunuan ng USM kinatigan ang nasabing hakbang Kakulangan sa budget sa edukasyon at pagtaas sa matrikula ng ilang mga state Universities and colleges ang pangunahing dahilan ng kilos protesta na isinagawa ng mga mag-aaral ng USM kaninang umaga. Iginiit ni College Editors Guild of the Philippines Secretariat Jay Apiag na ang pagpapabaya diumano ng kasalukuyang administrasyon sa sektor ng edukasyon ang dahilan kung bakit abot sa 83 porsiento ng...

Halal forum gagawin sa Kabacan, North Cotabato MAGING ang mga hindi Muslim puwede’ng kumain ng mga halal foods. Ito ang nilinaw ni Dr. Norodin Kuit, ang lead auditor ng Muslim Mindanao Certifying Board, Inc., o MMCBI. Si Dr. Kuit ang siya’ng pangunahing bisita sa gagawing HALAL FORUM bukas na gaganapin dito sa University of Southern Mindanao o USM Main Campus sa bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ang forum ay magkatuwang na isinusulong ng USM Extension Services Center at ng Citizens' Food Watch. Ayon sa Citizens Food Watch, maliban sa ligtas ang...

Accountancy Week Commemoration; isasagawa sa USM, Kabacan Pangungunahan ng USM Accountancy students ng Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) local chapter ang commemoration ng Accountancy Week ngayong araw sa ULS convention Center. Layon ng programang ito na mapabuti at palakasin pa ang pagkakaisa at pagsasamahan ng mga guro at estudyante ng nabanggit na kurso. Kabilang sa mga dadalo sa nasabing programa ay si CBDEM Dean Dr. Gloria Gabronino, Accountancy Department chair Dr. Lope Dapun at JPIA-USM Adiviser Sandra Angela Amolo. Kabilang...

Mga nagpapot session huli ng Kabacan Drug team Mismong ang drugteam ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P03 Bernard Pastera ang nakahuli sa akto na nagpapot session noong Sabado (July 17, 2011)  ang tatlong mga kalalakihan sa East Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan. Kinilala ang mga nahuli na sina Patricio Mapanao Diaz, 52, may asawa at residente ng Brgy. Osias, Poblacion, Kabacan, Mansulto Dunque Estrera, 30, residente ng Kidapawan City at Roel Jarabata Mamolang, 23 ng Poblacion, Matalam, Cotabato. Ang mga ito ay nahuli sa loob ng bahay ni Leonarda...

DXVL (The Morning News)July 25, 2011 Mga mag-aaral ng USM at ilang mga progresibo at militanteng grupo ng Kabataan; umaasa na madagdagan ang budget sa Edukasyon sa gagawing SONA ng Pangulo Umaasa ang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao kasama na ang mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan na ihahayag ng Pangulo Noynoy Aquino III sa kanyang State of the Nation Address mamaya na madagdagan ang budget para sa edukasyon. Ito ay ayon kay Southern Mindanao Anak Bayan spokesperson Cheri Orendain kungsaan ihahayag ng Pangulo...