July 25, 2011
Mga mag-aaral ng USM at ilang mga progresibo at militanteng grupo ng Kabataan; umaasa na madagdagan ang budget sa Edukasyon sa gagawing SONA ng Pangulo
Umaasa ang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao kasama na ang mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan na ihahayag ng Pangulo Noynoy Aquino III sa kanyang State of the Nation Address mamaya na madagdagan ang budget para sa edukasyon.
Ito ay ayon kay Southern Mindanao Anak Bayan spokesperson Cheri Orendain kungsaan ihahayag ng Pangulo ang kanyang National Appropriation budget taong 2011-2012 sa gagawing SONA ngayong araw.
Umaasa naman ang grupo ng karagdagang budget para sa edukasyon, matapos mapag-alaman na abot sa P1.1Billion ang ikinaltas na pondo noong nakaraang taon, kungsaan apektado naman ang mga state universities and colleges kagaya ng USM.
Sinabi ni Orendain na abot sa mahigit kumulang sa tatlong daang libo o katumbas sa 1.9 % ang nabawas sa Maintenace and other Operating Expenses o MOOE ng USM, dahil sa budget cut sa edukasyon.
Giit pa nito na dapat, hindi zero ang capital outlay ng mga state Universities and Colleges dahil sa lumulubong bilang ng mga mag-aaral sa mga eskwelahan sa ngayon, ito ay para makapagpatayo ng mga bagong gusali at iba pang imprastraktura.
Kung sakaling, ihahayag ng Pangulo na may budget cut sa edukasyon o walang dagdag na pondo, hinikayat ni Arendain ang mga mag-aaral na makilahok sa kanilang malawakang kilos protesta para maipahayag ang kanilang karapatan para sa edukasyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento