Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga umano kwestyunableng ballot boxes mula sa 4 na bayan sa North Cotabato dadalhin na sa Comelec sa kalakhang Maynila

LIMAMPU’T DALAWA sa may DALAWANG DAAN AT ANIMNAPUNG mga umano kwestyunableng ballot boxes mula sa apat na mga bayan dito sa lalawigan ng Cotabato ang dadalhin na ngayong Sabado sa central office ng Commission on Elections o Comelec sa Intramuros, Manila para alamin kung may batayan ang alegasyon na ang halalan sa lalawigan ay dinaya.

Ang shipment order ay nagmula kay Commissioner Rene Sarmiento ng first division ng Comelec.

Ito ay makaraang ibasura ng Supreme Court ang petition for certiorari na inihain ng kampo ni incumbent Cotabato Governor Lala Talino-Mendoza na pigilan ang Comelec na pag-aralan ang petisyon na inihain noong Nobyembre ng nakaraang taon ni defeated gubernatorial candidate at dating Cotabato Vice-Governor Manny Pinol.

Pero hiniling ni Pinol na bago simulan ng Comelec ang imbestigasyon, kailangan muna na ma-imprinta ang nilalaman ng mga compact flash cards na hawak na ng komisyon noon pang Mayo ng nakaraang taon.
Ito, ayon kay Pinol, ay para maikumpara ang laman ng flash cards at ng nasa ballot boxes.

Naniniwala si Pinol may malawakang dayaang nangyari noong 2010 gubernatorial elections, partikular sa mga presinto sa mga bayan ng Pikit, Kabacan, Carmen, at President Roxas kung saan nakakuha siya ng zero votes.

Kaugnay nito, agad namang nagpahayag ng reaksyon patungkol dito sa isyung ito ang kampo ni Governor Mendoza sa pamamagitan ng kanyang private counsel na si Atty. Vincent Paul Montejo ng Batacan and Montejo Law Firm.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento