Accountancy Week Commemoration; isasagawa sa USM, Kabacan
Pangungunahan ng USM Accountancy students ng Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) local chapter ang commemoration ng Accountancy Week ngayong araw sa ULS convention Center.
Layon ng programang ito na mapabuti at palakasin pa ang pagkakaisa at pagsasamahan ng mga guro at estudyante ng nabanggit na kurso.
Kabilang sa mga dadalo sa nasabing programa ay si CBDEM Dean Dr. Gloria Gabronino, Accountancy Department chair Dr. Lope Dapun at JPIA-USM Adiviser Sandra Angela Amolo.
Kabilang sa mga aktibidad na gagawin ngayong umaga ay ang parada susundan ng mga inilatag na programa at quiz bowl.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento