Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) .45 na pistola ginamit sa pagbaril sa Vice Mayor ng Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2013) ---Isang tama ng kalibre 45 pistola ang tumapos sa buhay ni Kabacan vice mayor Policronio Dulay ngayong hapon lamang sa kacan, Cotabato.

Naganap ang pamamaril sa harap ng Allan’s bookstore na nasa USM Avenue. Sa panayam ng DXVL sa mga trabahante ng naturang tindahan, nabatid na bumili ng kandila ang vice-mayor dakong alas-tres ngayong hapon.

SB-Kabacan magpapasa ng resolusyon para sa reward money sa makapagturo sa suspek sa pagbaril kay vice Mayor Pol Dulay


(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2013) ---Nakakalungkot para sa mga mamamayan ng Kabacan ang nangyaring pagbaril patay kay Vice Mayor Policronio Dulay.

Agad namang kinondena ngayon ng ilang mga grupo at mga kasamahan sa trabaho at gobyerno ang nasabing insedente.

Sa panayam kay councilor Reyman Saldivar, agad silang magpapasa ng resolusyon sa sangguniang bayan ng kabacan para magpapalabas ng pondo sa sinuman ang makakapagturo sa nagbaril sa pangalawang ama ng bayan.

Vice Mayor sa North cotabato, patay sa pamamaril


(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2013) ---Patay ang vice Mayor ng Bayan ng Kabacan, North cotabato makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin sa USM Avenue, partikular sa harap ng Allan’s Bookstore na establisiemento, Poblacion alas 3:00 ngayong hapon lamang.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay na resident eng lugar sakay sa kanyang scooter na motor ng papalabas ito sa isang tindahan ng sito ay pagbabarilin.
Bulagta ang biktima at duguan matapos na pagbabarilin.

Pagsunod sa higher education reform agenda na iniatas ng CHED, ipinapangako ng Pangulo ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2013) ---Matapos na muling nailuklok sa pwesto si USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije, upang maglingkod ng apat na taon sa University of Southern Mindanao, ipinapangako nito na tatalima siya sa iniatas ng Commission on Higher Education na higher education reform agenda.

Aniya, kung anuman ang mga kursong offer ng charter ay dapat na ayusin at ipagpatuloy kagaya ng magagandang resulta ng licensure exam sa akademik matters, mga pangangailangan ng estudyante at faculty.

Sekyu; pinagbababril patay sa Matalam, North Cotabato; most wanted person sa probinsiya, huli sa Carmen, North Cotabato



(Matalam, North Cotabato/ January 9, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP sa kung anu ang motibo sa pagbaril patay sa isang security guard ng isang agricultural buying station sa loob ng Matalam Public Market, Matalam, North Cotabato alas 6:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Insp. Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Jerry Carbillos Amatorio, 29, security guard ng VCL Buy and Sell sa Poblacion ng nabanggit na lugar.

Fort Pikit sa bayan ng Pikit; North Cotabato isa ng Historical LandMark sa bansa; matapos ang pormal na pagpapasinaya ng Provincial Government

Photo by: Ralph Ryan Rafael
(Pikit, North Cotabato/ January 9, 2013) ---Isinagawa kahapon ng umaga ang paghahawi ng tabing ng Panandang Pangkasaysayan ng “Fort Pikit” sa bayan ng Pikit, North Cotabato, bilang simbola na ang nasabing historical Landmarks ay bukas na para sa mga turistang dayuhin ang lugar.

Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagpapasinaya ng Historical Marker sa nasabing lugar.

Ayon sa punong ehekutibo ng lalawigan, matapos na binigyan ng pansin ng provincial government ang asik-asik falls sa bayan ng Alamada at ang ground breaking ng pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa bayan ng Makilala, ngayon naman ay kanilang tinututukan ang fort

Nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement; ipinaliwanag sa mga mamamayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2013) ---Nagpasalamat ang iba’t-ibang sektor buhat dito sa bayan ng Kabacan sa pag-sponsor ni Kabacan Mayor George Tan ng isinagawang advocacy and educational program hinggil sa nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement sa Municipal gymnasium kahapon ng umaga.

Ito ayon kay Municipal Registrar head Gandy Mamaluba, ang moderator ng nasabing aktibidad, kungsaan abot sa libu-libung mamamayan ng bayan ang dumalo sa nasabing programa.

Probinsiya ng North Cotabato; handa na sa turismo ---Gov. Lala

(Makilala, North Cotabato/ January 8, 2013) ---Iginiit ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na ang probinsiya ay handa na umano sa turismo, bilang indikasyon na ang peace and order sa lugar ay maayos.

Bagama’t aminado ang opisyal na di rin maiiwasan ang mga karahasan na dulot ng mga masasamang elemento, sinabi pa rin nito na nasa turismo ang pera.

Delayed na pagresponde ng Bureau of Fire; paiimbestigahan ng isang councilor sa Sangguniang bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2012) ---Nais ngayong paiimbestigahan ni Councilor George Manuel sa Sangguniang bayan ng Kabacan ang diumano’y delay na pagresponde ng Bureau of fire Protection sa sunog na nangyari sa Kilagasan Elementary School sa brgy Kilagsan noong Miyerkules ng gabi.

Aniya, 30 minuto na nabalam ang pagresponde ng mga kagawad ng pamatay apoy, bukod pa sa hindi agad nakarating yung isa pang firetruck na pangtulong sana upang apulahin ang sunog sa bagong konstruksiyong building ng paaralan na natupok ng apoy.

Unification sa mga kumukontra sa liderato ni USM Pres. Derije, ang naging panawagan ng Pangulo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Lubos ang naging kagalakan ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije sa naging resulta ng kanyang evaluation at sa kanyang re-appointment bilang Pangulo ng USM para sa term na apat na taon na magsisimula ngayong araw.

Ito ang sinasabi ng Pangulo sa isinagawang press conference sa kanyang tanggapan kaninang umaga sa administration building matapos ang isinagawang general monthly convocation sa USM gymnasium.

2 malalakas na IED, natagpuan malapit sa tanggapan ng Kidapawan City PNP; agad na na-i-defuse ng EOD team


(Kidapawan City/ January 7, 2012) ---Matagumpay na na detonate ng mga elemento ng 63rd Ordnance Explosive Disposal (EOD) ng Philippine Army ang dalawnag malalakas na pampasabog na itinanim malapit sa tanggapan ng Kidapawan City PNP alas 10:30 kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Joseph Semillano, bagong hepe ng Kidapawan City PNP, regular nagasasagawa ng routine inspection sa mga na impound na mga sasakyan ang isang police ng aksidente nitong makita ang dalawang 60mm na mayroong isang nine volt na battery na naka attached naman sa isang Nokia 3410 na mobile phone.

Incumbent USM Pres. Dr. Derije; nananatiling Pangulo pa rin ng Pamantsan sa kanyang ikalawang term


(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Opisyal ng uupo bilang Pangulo pa rin ng University of Southern Mindanao sa kanyang ikalawang term si USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije nukas, January 8, 2013.

Ito ang sinabi sa DXVL ni Board of Regents Secretary Dr. Nora Manero matapos na makuha ng Pangulo ang majority number of votes sa katatapos na BOR nitong Biyernes, batay na rin ito sa United stand ng regents.