Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Probinsiya ng North Cotabato; handa na sa turismo ---Gov. Lala

(Makilala, North Cotabato/ January 8, 2013) ---Iginiit ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na ang probinsiya ay handa na umano sa turismo, bilang indikasyon na ang peace and order sa lugar ay maayos.

Bagama’t aminado ang opisyal na di rin maiiwasan ang mga karahasan na dulot ng mga masasamang elemento, sinabi pa rin nito na nasa turismo ang pera.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang ground breaking and Capsule-laying ceremonies  sa development ng New Israel eco-Tourism Park at konstruksiyon ng 1.2kilomentro at 1.0kilomentrong Zipline sa brgy New Israel sa bayan ng Makilala noong nakaraang Huwebes.

Pinasalamatan din ng gobernador ang Pangulong Pnoy sa pagbibigay deriktiba sa Department of Tourism at Department of Public Works and Highways o DPWH sa pagbibigay pondo sa pamamagitan ng inpraktratura sa lahat na mga lugar na may tourism potensiyal kagaya ng probinsiya ng North Cotabato.

Bukod sa paglalagay ng pinakamahabang Zipline hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa Southeast Asia na makikita sa Brgy. New Israel, Makilala nais din ng opisyal na ipaayos ang Batasan hotspring at ang paglalagay ng brgy gulayan sa mga brgy ng Kisante at Malasila.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan ang provincial government sa pagbuhos ng proyekto sa bayan at naniniwala ang opisyal na making tulong ito sa pagpapalaga ng turismo hindi lamang sa brgy New Israel kundi maging sa munisipyo.

Ang nasabing programa ay sinaksihan ng provincial government official, DOT Regional Director Jose Cabulanan, municipal Officials at mga brgy Officials ng brgy New Israel sa bayan ng Makilala. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento