(Kidapawan City/ January 7, 2012) ---Matagumpay na
na detonate ng mga elemento ng 63rd Ordnance Explosive Disposal (EOD) ng
Philippine Army ang dalawnag malalakas na pampasabog na itinanim malapit sa
tanggapan ng Kidapawan City PNP alas 10:30 kahapon ng umaga.
Ayon kay Supt. Joseph Semillano, bagong hepe ng
Kidapawan City PNP, regular nagasasagawa ng routine inspection sa mga na
impound na mga sasakyan ang isang police ng aksidente nitong makita ang dalawang
60mm na mayroong isang nine volt na battery na naka attached naman sa isang
Nokia 3410 na mobile phone.
Itinamin ang mga pampasabog sa mismong gate ng himpilam may limampung metro lamang ang layo sa mismong main office ng PNP.
Agad namang pinasabog ang nabanggit na mga explosives gamit ang water cannon.
Wala
namang naiulat na kasiraan ang sapilitang pagpapasabog sa mga IED's Patuloy ang
imbestigasyon sa pagka diskubre ng mga bomba.
Ang lugar kung saan natagpuan ang mga pampasabog ay malapit lamang sa mataong lugar dahil gilid nito ang isang lodging house at tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon sa lungsod.
Ang lugar kung saan natagpuan ang mga pampasabog ay malapit lamang sa mataong lugar dahil gilid nito ang isang lodging house at tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon sa lungsod.
Batay sa ulat, ang pagkakarekober ng nasabing ied ay
dalawang araw matapos ang isinagawang turn-over ng bagong police command ng
Kidapawan city PNP makaraang mapalitan si Supt. Renante Cabico ni Supt.
Semillano ang dating hepe ng Midsayap PNP kungsaan ang turn-over of command ay
sinaksihan ni Supt. Danny Peralta, ang bagong Cotabato Police Provincial
Director. (Rhoderick Beñez with reports from Williamore Magbanua)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento