(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2012)
---Nais ngayong paiimbestigahan ni Councilor George Manuel sa Sangguniang bayan
ng Kabacan ang diumano’y delay na pagresponde ng Bureau of fire Protection sa
sunog na nangyari sa Kilagasan Elementary School sa brgy Kilagsan noong
Miyerkules ng gabi.
Aniya, 30 minuto na nabalam ang pagresponde
ng mga kagawad ng pamatay apoy, bukod pa sa hindi agad nakarating yung isa pang
firetruck na pangtulong sana upang apulahin ang sunog sa bagong konstruksiyong
building ng paaralan na natupok ng apoy.
Sinabi pa ng opisyal na patay sindi rin
umano ang headlight ng firetruck at nag close cconnection daw dahil sa
lubal-lubak na daanan papunta sa erya, bukod pa sa nagpalit pa umano sila ng
gulong ng firetruck noong kasagsagan ng sunog.
Paliwanag naman si Fire Senior Inspector
Ibrahim Guiamalon na, nagrerelay lamang umano sila sa tinatawag na fire alarm
at tawag sa kanilang opisina.
Aniya, hindi nila lahat pinapunta ang
kanilang firetruck sa brgy para may standby na bumbero sa Poblacion kung
sakaling may mangyaring sunog sa lugar.
Nabataid mula kay guiamalon na abot sa P2.5M
ang final assestment nila sa kabuuang danyos sa sunog sa nasabing gusali na
natupon ng apoy.
Aniya tatlong classroom kasama ang tanggapan
ng punong guro ang naabo dahil sa nasabing sunog bagam’t nagpapatuloy ang
kanilang imbestigasyon ang anu ang pinag-mulan dahil sa inisyal na report ito
nabatid na incidental ang nasabing sunog.
Dahil sa nasabing kapalpakan, nais ngayon ni
Councilor Manuel na alamin kung bakit walang maintenance ang firetruck ng
bayan, gayung may mga inilaang pondo naman para ditto.(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento