Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sasakyan ng dating Director ng USM SSM, sinunog

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2013) ---Sinunog ng mga di pa nakilalang salarin ang likurang bahagi ng bahay ni dating Director ng USM Security Services and Management Prof. Orlando Forro pasado alas 11 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News kay Director Forro ngayong umaga sinabi nitong natupok ng apoy ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan na Fortuner kulay itim.

BREAKING NEWS: Ilang mga lugar ng Kabacan at kalapit bayan, binaha ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/ June 14, 2013) ---Binaha ang ilang mga lugar sa Kabacan bunsod ito ng malakas na pagbuhos ng ulan simula pa kahapon.

Batay sa report ni itinalagang Poblacion Kapitan Edna Macaya sa panayam sa kanya ng DXVL News ngayong umaga, iniulat ang pagsilikas ng ilang mga residente ng Plang Village 2 makaraang sinalanta ang mga nasa mababang lugar ng pagragasa ng tubig baha.

Hinaing ng mga raliyesta, ipinarating ni Cong. Catamco kay DILG Mar Roxas

2nd District Rep. Nancy Catamco
(Kabacan, North Cotabato/ June 14, 2013) ---Ipinarating na ngayon ni Congresswoman Nancy Catamco ang hinaing ng mga raliyesta kay Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas para mabigyan na ng agarang solusyon ang gusot sa University of Southern Mindanao.

Ito ang sinabi ng mambabatas sa hiwalay na panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pagtitiyak na ginagawa nito ang paraan para matuldukan na ang sigalot sa Pamantasan.

Namagitan si Catamco dahil abot sa higit tatlong daan ang scholars nito sa USM at marami na ring mga magulang ang humihingi ng tulong sa kanya.

Una na ring ipinarating ng opisyal ang isyu kay Pangulong Aquino.

Gusot sa USM, nakarating na kay Pnoy –ayon kay Gov. Lala

Gov. Emmylou "Lala" TaliƱo Mendoza
(Kabacan, North Cotabato/ June 13, 2013) ---Nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Benigno Aquino III ang nangyayaring gusot sa University of Southern Mindanao.

Ito ang sinabi ngayong hapon sa eksklusibong panayam ng DXVL News Kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza.

Mismong si Pnoy pa umano ang unang nagtanong sa gobernador sa kalagayan ng USM sa isinagawang oath taking ng mga bagong halal na gobernador sa Malakanyang.

Ayon kay Mendoza, malaki ang concern at aware umano ang Pangulo sa mga nangyayari sa loob ng USM.

(Update 4) Dating Cotabato Gov. Manny PiƱol, personal nang hiningi ang tulong ng Pangulong Aquino kaugnay sa krisis na kinakaharap ng USM

Ex-Gov. Manny PiƱol
(Kabacan, North Cotabato/ June 13, 2013) ---Personal nang ipinaabot ni dating Cotabato Governor Manny PiƱol kay Pangulong Benigno Aquino III ang usapin sa University of Southern Mindanao.

Sa kaniyang official facebook account, sinabi ng dating opisyal at isa ring alumnus ng USM na personal siyang nagpadala ng text message kay Pangulong Aquino at ipinabatid ang kasalukuyang sitwasyon sa pamantasan. 

Grupo ng mga estudyante sa USM (ICSC), nagpalabas na ng manifesto hinggil sa gusot sa Unibersidad

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2013) ---Nagbuo na ngayon ng grupo ang ilang mga estudyante ng University of Southern Mindanao at tinawag na “Initiating Committee on Students Concerns (ICSC).

Ayon sa organizer ng grupo na si A-esha Afdal Ampatuan layon ng grupo na himukin at pagkaisahin ang mga mag-aaral na diritsang naapektuhan ng gusot sa Pamantasan sa tulong at suporta ng komunidad para maibalik ang karapatan ng mga estudyanteng malayang makapag-aral at ang normal na sitwasyon ng USM.

Mga mag-aaral ng USM, dismayado na sa pagsasara ng mga gates sa Pamantasan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2013) ---Dismayado ang maraming estudyante ng University of Southern Mindanao Main campus sa pamamaraan umano ng pagkilos sa loob ng Pamantasan. 

Anila naaapakan na umano ang kanilang karapatan na malayang makapag-aral dahil sa muling pagsasara ng lagusan ng Pamantasan.

Ito makaraang inulan ng sumbong at reklamo ang textline ng DXVL ng mga ng-aalburutong estudyante ng Pamantasan. 

USM VPAA Dr. Tacardon, nagretiro na

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2013) ---Isinasagawa kaninang umaga ang retirement program ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon sa Kabacan gymnasium, Kabacan, North Cotabato.

Dumalo sa nasabing programa ang administrative key officials ng USM, mga faculty at ilang mga imbitadong bisita at mga kaibigan.  

Mister Patay habang Misis nakaligtas sa panibagong pamamaril ng riding in tandem sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2013) ---Patay ang 61 taong gulang na mister habang nakaligtas naman ang misis nito sa panibagong shooting incident na nangyari sa Purok Namnama, Lower Paatan, Kabacan, Cotabato pasado ala 1:00 kahapon ng hapon.

Kinilalang Kabacan PNP ang biktima na si Narciso Tombok, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Unang araw sa klase ng USM, di natuloy; mga raliyesta muling nagsara ng gate

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2013) ---Muling isinara ng mga raliyesta ang main gate ng University of Southern Mindanao o USM Main Campus dito sa bayan ng Kabacan ngayong umaga.

Sinabi ng taga pagsalita ng mga raliyesta sa USM na si Raffy Tadeo, ito ay bilang pagkondena nila sa pagmamatigas umano ni USM president Jesus Antonio Derije.

2 patay sa ambush ng MILF

(Matalam, North Cotabato/ June 10, 2013) ---Patay ang dalawang magsasaka ng tambangan umano ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF habang papauwi ang mga ito sa kanilang bahay sa Matalam, North Cotabato alas 4:25 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ni Army’s 602nd Brigade spokesperson Captain Antonio Bulao ang mga biktima na  sina Toto Manial at Eddie Buisan kapwa residente ng brgy. Marbel.

Pasahero ng Weena Bus, sugatan sa isang pamamaril sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 10, 2013) ---Sugatan ang isang pasahero ng Weena Bus sa nangyaring shooting incident sa loob mismo ng Bus habang tinatahak ang kahabaan ng National Higway na nasa Fort Pikit, Pikit North cotabato alas 11:27 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang sugatan na si Regie Asu Tayros na tinamaan sa kaliwang braso nito.