(Matalam, North Cotabato/
June 10, 2013) ---Patay ang dalawang magsasaka ng tambangan umano ng mga kasapi
ng Moro Islamic Liberation Front o MILF habang papauwi ang mga ito sa kanilang
bahay sa Matalam, North Cotabato alas 4:25 ng hapon kamakalawa.
Kinilala ni Army’s 602nd Brigade
spokesperson Captain Antonio Bulao ang mga biktima na sina Toto Manial at
Eddie Buisan kapwa residente ng brgy. Marbel.
Sinabi ni Bulao na sakay
ang dalawa sa isang motorsiklo ng tambangan ng mga pinaniniwalaang mga kasapi
ng MILF sa ilalim ng pamumuno nibaKumander Salonga at Ali Manzur.
Ang ambush ay nangyari
500 metro lamang ang layo mula sa Peacekeeping Forces ng brgy. Marbel.
Angmga biktima ay dead
on the spot habang ang bangkay na katawan ni Toto Manial at tinadtad ng mga
suspek.
Tinukoy ng opisyal na
ang ginawa ng ilang kasapi ng MILF ay tuwirang paglabag sa peace covenant na
nilagdaan nila noong Mayo 23 kasama ang MNLF. (Rhoderick BeƱez)