(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2013) ---Isinasagawa
kaninang umaga ang retirement program ni USM Vice President for Academic
Affairs Dr. Antonio Tacardon sa Kabacan gymnasium, Kabacan, North Cotabato.
Dumalo sa nasabing programa ang
administrative key officials ng USM, mga faculty at ilang mga imbitadong bisita
at mga kaibigan.
Ang retirement program ay kasabay din ng ika65
taong kaarawan ni Dr. Tacardon ngayong araw.
Taong 1969 ng magsimula ang opisyal sa USM
kungsaan 44 na taon itong nagsilbi sa Pamantasan at kamakailan ay itinalaga
bilang USM executive vice Pres ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije.
Binati rin ang opisyal ng kanyang maybahay
na si dating USM FA Pres. at DXVL station manager Dr. Anita Tacardon.
(Rhoderick BeƱez)