Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Spokesperson ng CPPO nanawagan sa mga mamamayan na wag magpakalat ng impormasyonna makakalikha ng panic sa publiko

(Aleosan, North Cotabato/ February 13, 2015) ---Nanawagan ang spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office na si PCI Bernard Tayong na huwag maghasik ng pananakot na makaka alarma sa ibang mga tao at kapwa Cotabateño.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni PCI Tayong na may suspected Improvised Explosive Device o IED na natagpuan sa Bayan ng Aleosan partikular na sa Pagangan 1 noong nakaraang linggo ng Huwebes.

“Walang puwang ang mga Kriminal sa Kabacan” ---Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2015) ---Iginiit ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na bumaba ang kaso ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan sa nakalipas na taon.

Ito ang sinabi ng punong ehekutibo sa isinagawang pulong pambalitaan sa USM Hostel, USM, Kabacan, Cotabato nitong Pebrero a-12.

Aniya, ang mga kaso ng krimen ay bumaba ayon sa Statistics on Crime Incidents na datos kabilang na dito ang kasong murder kungsaan nonng 2013 nakapagtala ang

Granada sumabog sa bahay ng ex-mayor: Mag-utol patay

(Banisilan, North Cotabato/ February 13, 2015) ---Patay ang magkapatid na caretaker, habang isa pa ang malubhang nasu­gatan makaraang sumabog ang pinaglaruang granada ng isa sa mga biktima sa loob ng tahanan ng isang dating alkalde sa bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Romar “Tata” Anarilla, 24 at Benjie  Anarilla, 15; kapwa  caretaker sa bahay ni da­ting Banisilan Mayor Floro Allado.

Isinugod naman sa Ma­ramag Hospital ang suga­tang biktima na si Cocoy Allado, pamangkin ng da­ting alkalde.

Makilala LGU, magbibigay ng tulong sa binatang taga Makilala na nasawi sa Vehicular Accident sa boundary ng Bansalan at Matanao Davao del Sur

(Makilala, North Cotabato/ February 12, 2015) ---Nakatakdang tunguhin ng LGU ng bayan ng Makilala ang pamilya ng nasawing binata sa nang nangyaring banggaan ng Utility Van at Forward Truck sa boundary ng Bayan ng Bansalan at Matanao, Davao del Sur noong Pebrero a-8 upang abotan ng tulong.

Ito ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa panayam ng DXVL News, kakilala umano nito ang ama ng biktima na isa rin sa Brgy. Kagawad ng Brgy Sto. Niño sa nasabing bayan.

Seguridad sa lungsod ng Kidapawan, pinaigting kasabay ng 17th foundation anniversary ngayong araw

(Kidapawan City/ February 12, 2015) ---Pinaigting ng Kidapawan PNP ang seguridad sa lungsod ng Kidapawan kasabay ang pagdiriwang ng 17th foundation anniversary nito ngayong araw.

Ito ayon sa panayam ng DXVL News kay Supt. Franklin Anito, ang city Director ng Kidapawan PNP.

Aniya ay mas pinaigting pa umano nila ng seguridad sa Lungsod kasama ang 57th IB na under kay Col. Nilo Vinluan at ang Public Safety Office ng Kidapawan City na siyang may hawak umano sa BPAT, SAT at TMU.

Sangguniang Panlalawigan magkakaroon ng pagpupulong hinggil sa paggawa ng resolution upang mapabilis ang pagtalakay at pagpasa ng BBL sa kongreso

(Pikit, Cotabato/ February 12, 2015) ---Magkakaroon ng pagpupulong ang Sangguniang Panlalawigan sa ika-18 ng Pebrero kasama ang regional offices ng Liga ng mga Baranggay upang gumawa ng resolution na maipasa sa kongreso na hindi maabala ang pagbasa o pag apruba ng Bangsamoro Basic Law o BBL. 

Ito ang kinumpirma ni Board member Dulia Sultan sa panayam sa kanya ng DXVL news.

Brgy. Malamote ng Bayan ng Kabacan, pambato ng Cotabato Province sa Regional Evaluation, makaraang magwagi bilang “Best Lupong Tagapamayapa ng lalawigan” sa Provincial Evaluation

(Kabacan, North Cotabato/ February 12, 2015) ---Wagi bilang “Best Lupong Tagapamayapa” ng lalawigan ng Cotabato” ang Brgy. Malamote ng bayan ng Kabacan ngayong taon sa ginanap na Provincial Evaluation nitong nakaraang Pebrero a-6 taong 2015.

Ayon kay Kabacan Municipal Interior and Local Government Operation Officer Ivy Cervantes sa panayam ng DXVL, magiging pambato ang nasabing barangay sa Regional Evaluation na gaganapin ngayong Marso a-5 sa susunod na buwan.

Maagap na tugon ng BFP Kidapawan at BFP Makilala sa naganap na sunog sa bayan ng Makilalala, naging resulta sa agarang pagkaapula sa nangyaring sunog sa bayan ng Makilala

(Makilala, North Cotabato/ February 12, 2015) ---Laking pasasalamat ng alkalde ng bayan ng Makilala sa maagap ng tugon ng pinagsanib na pwersa ng BFP Kidapawan at BFP Makilala dahilan upang maapula agad ang nangyaring sunog sa Tejada Residence sa tabi ng Public Market ng nasabing bayan alas 12:15 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa panayam ng DXVL News, nadeklara umanong fireout dakung alas 2:00 nang madaling araw.

Reklamo ng isang magulang hinggil sa pagkawala ng JS Prom sa Kabacan National High School, sinagot ng pamunuan ng paaralan

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015) ---Sinagot ng pamunuan ng Kabacan National High School ang reklamo ng isang magulang hinggil sa pagkawala ng Junior-Senior Prom sa naturang paaralan.

Ayon sa pamunuan ng paaralan sa kanilang inilabas na kalatas ay sinisugarado lamang umano nila ang kaligtasan ng lahat at kinokonsidera rin nila ang krisis pang-ekonomiya sa ngayon at masasayang lamang umano ang mga academic hours na igugugol ng mga estudyante sa pag-eensayo ng JS Prom.

SB Kabacan handa na kung sakaling makapagpasya ang iba’t-ibang tribu ng maaaring iindorsong Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) ng bayan

(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2015) ---Handa na ang Sangguniang Bayan ng Kabacan kung sakaling makapagpasya ang iba’t-ibang tribu ng iindorsong Indigenous People’s Mandatory Representative o (IPMR) ng bayan.

Ito ay matapos magtipon-tipon ang mga matatanda at lederes ng iba’t-ibang tribu ng Kabacan para sa isang Municipal Indigenous People Orientation and Consultative Assembly kahapon ng umaga sa Municipal Gymnasium.

Ilan pang mga estudyante ni Marwan, nagkalat pa sa Probinsya ng Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ February 11, 2015) ---Patuloy umanong nagkalat ang ilan pang mga estudyante ni Marwan sa Probinsya ng Cotabato.

Ito ayon sa panayam ng DXVL news kay Police Inspector Sindato Karim, hepe ng PNP Pikit.

Aniya, sinabi umano ni Jomar Palaguyan isa sa mga bomber na nasabugan ng dala nilang bomba sa Pikit kamkailan na, bago ito namatay ay may mga kasama pa umano sila na mga

500 mga residente ng Mamasapano, naka- benepisyo ng medical mission ng DOH ARMM

(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2015) ---Nakabenepisyo sa isinagawang medical mission ng Department of Health o DOH-ARMM kasama ang medical team ng Maguindanao provincial government ang abot sa mahigit 500 residente sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay DOH-ARMM secretary Dr. Kadil Jojo Sinolinding, Jr., stress at trauma ang karamihan sa nakitang problema ng medical team sa mga residente sanhi ng naganap na engkwentro sa pagitan ng MILF, BIFF at PNP-SAF noong January 25.

Simultaneous Peace Rally kasalukuyang isinasagawa sa Bayan ng Pikit

(Pikit, North Cotabato/ February 10, 2015) --- Kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang simultaneous Peace rally sa Bayan ng Pikit.
Layunin ng naturang peace rally na ipanawagan sa mga kinauukulan at mga lider sa Manila partikular na sa kongreso at senado na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng gobyerno ng Pilipinas upang matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Patay sindi na serbisyo ng kuryente nitong mga nakaraang araw sa bayan ng Kabacan, ipinaliwanag ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015) ---Aminado ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco na may shortage sa supply ng kuryente sa service area nito.

Ito ayon kay Cotabato Electric Cooperative o Cotelco General Manager Godofredo Homez sa panayam ng DXVL News kungsaan kasalukuyan umanong nagkakaroon ng load curtailment nakakaranas ng kakulangan sa suplay ng kuryente ang bayan ng Kabacan dahil sa pagkakadagdag ng load ng bayan ng Mlang at ilang bahagi ng bayan.

Truck vs van: 2 patay, 10 kritikal

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015) ---Dalawang pasahero ang namatay habang 10 naman ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong van at forward truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sinawilan, bayan ng Matanao, Davao del Sur kamakalawang hapon.

Ito ang kinumpirma sa panayam ng DXVL News kay PCI Elmer Cabuslay, ang hepe ng Matan-ao PNP.

Kinilala nito ang namatay na si Dennis Elebado ng Sto. Niño bayan ng Makilak, North Cotabato ang isa sa namatay habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa.

Truck, muntik nang mahulog sa bangin, 8 sugatan, sa Kidapawan City

(Kidapawan city/ February 9, 2015) ---Naudlot ang dapat sanay masayang pagdiriwang ng pamilya Curambao matapos na sumadsad sa kanal ang sinasakyan nitong Mitsubishi Canter Truck malapit sa bangin sa Brgy. Ilomavis sa nasabing lungsod dakong alas 10:00 ng umaga kahapon.
 
Kinilala ang 2 sa mga sugatan na sina Angeline Caberte, Rosemarei Via, parehong 13 ayos at pawang mga residente ng Brgy. Mua-an, Kidapawan City na ngayoy nagpapagaling sa ibat-ibang pagamutan sa lungsod.

Ayon kay Gerald Curambao, 20 anyos, residente ng nsabing Brgy, ang drayber ng nasabing truck, kulay yellow green, may palakang LHW 909, papunta umano silang Lake Agco upang ipagdiwang ang birthday ng kayang lola, tiyahin, at kanyang pinsan kasama ang kaniyang mga
kamag-anak at ilang mga malalapit na kaibigan.

Hiling, wagi sa Lantaw 2015!

By: Lorie Joy dela Cruz
(USM, Kabacan, North Cotaabto/ February 9, 2015) ---Nagpamalas muli ng angking galing sa paggawa ng pelikula ang mga studyante ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Lantaw Short film festival 2015 na ginanap kamakailan sa University of Southern Mindanao gymnasium, Kabacan, Cotabato.

Tampok ang dalawang pelikula na gawa ng mga mag-aaral sa nabanggit na pamantasan, naglaban laban ang mga ito para sa titulong Best Short Film na nakuha ng Hiling na gawa ng Mockkez Productions ng mga mag-aaral mula sa ibat ibang kolehiyo ng USM; kwento ng pag- ibig, pagkakaibigan at pagsisisi.

Labi ng OFW na nagpakamatay sa ibayong dagat, dumating na sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015) ---Nakatakda na ngang ihahatid ang labi ni Ms. Carolyn Pagaran Comilang sa kanyang huling hantungan ngayong umaga, February 9, 2015 sa compound ng kanilang bahay sa may Bonifacio St. Kabacan, Cotabato. Dumating ang kanyang mga labi dito sa Kabacan noong February 6, 2015 ng umaga, mula pa sa Damam, Saudi Arabia.

Matatandaan na noong October 23, 2014 naibalitang nagpakamatay si Ms. Carolyn Comilang sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanyang sarili sa loob ng kanilang apartment na tinutuluyan sa Damam, Saudi Arabia.

Kabacan Telecommunication nag bigay ng pahayag hinggil sa pagkakatigil ng kanilang operasyon

(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015) ---Nagbigay ng pahayag ang Kabacan Telecommunication hinggil sa pagkakatigil ng kanilang pagbibigay ng serbisyo sa bayan ng Kabacan.

Ito umano ay utos ng National Government sa kanilang Central Office sa Quezon City na isara ang kanilang opisina

Sa panayam ng DXVL kay Kabacan Information and Telecommunication, at ngayon ay Provincial Head of North Cotabato, Engineer Mahadjirin Matanog, ito umano ay dahil sa pagbabago ng kanilang Organizational structure o pagbabago ng pangalan ng kanilang opisina.

Takbo Para Sa Pag- ibig, isasagawa sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Isasagawa sa bayan ng Kabacan ang isang Fund Raising Activity na may temang ‘Takbo Para sa Pag- Ibig’ na pangungunahan naman ng Kabacan Municipal Police Station.
Ang Fund Raising Activity ay naglalayong matulungan ang mga batang lansangan sa bayan at ganun din ang mga batang hindi nakakapag- aral.
Ang nasabing aktibidad ay gaganapin sa Kabacan Municipal Plaza sa darating na February 21, 2015 sa ganap na 4:30 ng umaga.

2008 GAD Code ng Kabacan, nakatakdang Rerepasuhin at Amiendahan ng Sangguniang Bayan

(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015) ---Sa pagpupulong ng Local Council of Women ng Kabacan noong February 5, 2015 sa opisina ni Mayor Herlo P. Guzman Jr. naiminungkahi ng kanilang miyembro ng nasabing konseho ang pagrereview sa 2008 Gender and Development Code ng Kabacan bilang parte ng Women’s Month Celebration ngayong darating na Marso 2015.

Ang 2008 Gender and development Code ng Kabacan naisabatas taong 2008 biang Municipal Ordinance no. 2008-011 na inakda ni Municipal Councilor Jonathan M. Tabara bilang isang legislative mechanism upang mas mapagtibay at mapalakas ang mga programa at serbisyong magpoprotekta sa mga karapatan ng mga kababaihan at magpapalawig pa sa mga oportunidad nito.

DA Kabacan naglabas ng panibagong update patungkol sa Partial Crop Damage Report matapos ang malaking pagbaha

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015) ---Naglabas ng panibagong update ang LGU Department of Agriculture o DA Kabacan patungkol sa Partial Crop Damage Report matapos ang malaking pagbaha sa iilang lugar ng Kabacan kamakailan.
Ito ayon sa ibinigay na datos ni Agriculture Report Officer Tessie M. Nidoy.