(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2015)
---Iginiit ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na bumaba ang kaso ng kriminalidad
sa bayan ng Kabacan sa nakalipas na taon.
Ito ang sinabi ng punong ehekutibo sa
isinagawang pulong pambalitaan sa USM Hostel, USM, Kabacan, Cotabato nitong
Pebrero a-12.
Aniya, ang mga kaso ng krimen ay bumaba ayon
sa Statistics on Crime Incidents na datos kabilang na dito ang kasong murder kungsaan
nonng 2013 nakapagtala ang
Kabacan PNP ng 34 at bumaba na lamang ito sa 20 kaso
noong 2014; Rape case 7 noong 2013, 3 na lamang sa taong 2014 at sa carnapping
na dati ay 93 na kaso noong 2013 umaabot na lamang ito sa 44 na kaso, pero ang
bilang na ito ay malaki pa rin aniya, kung kaya’t may deriktiba na ito sa mga
kapulisan na ipagpatuloy ang pagpapatrol sa bayan.
Dagdag pa ng alkalde, ay mas papaigtingin pa
ng pamunuan ng Kabacan ang Peace and Order Security upang lalo pang maibsan ang
banta ng kriminalidad sa bayan.
Patuloy din naman ang pagsasaayos ng batas
trapiko sa bayan ng Kabacan sa pangungu naman ni TMU Head Ret. Col. Antonio
Peralta.
Kabilang sa kanilang iniimplementa ay ang
One way sa USM Avenue at ang No U-turn sa National Highway.
Patuloy din ang pagsisikap ng Kabacan TMU na
linisin ang bayan sa mga kolurom na sasakyan.
Sinagot naman ni TMU Head Ret. Col Peralta
ang samu’t-saring mga problema na kinakaharap nito sa isyu ng batas trapiko
partikular na sa tricycle sa bayan ng Kabacan.
Samantala idenepensa naman ni Mayor Guzman
ang pagdadala ng armas ng ilang mga tanod na nagbabantay sa ilang mga
pangunahing kalye sa bayan ng Kabacan, ito dahil may ginawa na silang MOA sa
pamunuan naman ng KAbacan PNP sa pangunguna ni PCI Ernor Melgarejo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento