Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa lungsod ng Kidapawan, pinaigting kasabay ng 17th foundation anniversary ngayong araw

(Kidapawan City/ February 12, 2015) ---Pinaigting ng Kidapawan PNP ang seguridad sa lungsod ng Kidapawan kasabay ang pagdiriwang ng 17th foundation anniversary nito ngayong araw.

Ito ayon sa panayam ng DXVL News kay Supt. Franklin Anito, ang city Director ng Kidapawan PNP.

Aniya ay mas pinaigting pa umano nila ng seguridad sa Lungsod kasama ang 57th IB na under kay Col. Nilo Vinluan at ang Public Safety Office ng Kidapawan City na siyang may hawak umano sa BPAT, SAT at TMU.

Sinabi pa ng opisyal na mayroon din umanong mga organisasyong mula sa Provincial Police Office at pati na rin umano sa Regioinal Public Safety Batallion.

Dagdag din ni Supt. Anito na nagdeploy umano sila ng higit 400 na mga personnel kasama na diyan ang mga inilagay nilang Checkpoints upang masiguro ang mga lumalabas at pasok sa Kidapawan City proper.

Ayon pa kay Supt. Anito na magsasagawa rin umano sila ng random Checkup kung saan titingnan ang mga laman ng dala- dalang mga bagahe o back- pack ng mga taong mamamasyal sa iba’t ibang lugar na pagsasagwaan ng mga aktibidad.

Inihanda na rin umano nila ang security forces na susubaybay sa isasagawang street dancing ngayong hapon na magsisimula ng 1:00 ng hapon at inaasahang dadagsain ng higit 20,000 katao. Ganun din ang TMU upang maisaayos ang re- routing ng traffic.

Sa kasalukuyan umano ay mapayapa naman ang kanilang pagdiriwang ngunit hindi nila isinasantabi ang ano mang banta ng kriminalidal at ng terorismo sa nasabing selebrasyon.


Samantala, hinikayat naman ni Kidapawan PNP Director Anito ang publiko na hanggat maari ay iwasan ang pagdadala ng back- pack at kung sakali umanong hindi maiwasan ay makipag- coordinate sa kanilang mga tauhan dahil para rin umano ito sa siguridad ng lahat at hindi para sa isang tao lamang. Lorie Joy Dela Cruz

0 comments:

Mag-post ng isang Komento