(Kabacan, North Cotabato/ February
12, 2015) ---Wagi bilang “Best Lupong Tagapamayapa”
ng lalawigan ng Cotabato” ang Brgy. Malamote ng bayan ng Kabacan ngayong
taon sa ginanap na Provincial Evaluation nitong nakaraang Pebrero a-6 taong
2015.
Ayon kay Kabacan Municipal Interior
and Local Government Operation Officer Ivy Cervantes sa panayam ng DXVL,
magiging pambato ang nasabing barangay sa Regional Evaluation na gaganapin
ngayong Marso a-5 sa susunod na buwan.
Sa hiwalay na panayam kay Brgy.
Malamote Chairman Albino Lacea Jr., na ito na ang pangalawang pagkakataon na
magiging pambato sila ng lalawigan makaraang makamit ang kahalintulad na
karangalan noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng Punong Barangay, susi
umano para makuha nila ang nasabing karangalan ang pagtutulungan at pagkakaisa
ng mga Lupon, mga Brgy. Officials para masulosyunan ang mga problemang
idinudulog sa kanilang opisina at nakarecord ang lahat ng mga ito.
Puspusan naman umano ang kanilang
paghahanda para makakamit nila ang “Best
Lupong Tagapamayapa” sa boung Rehiyon 12 makaraang naging 2nd
placer lamang sila noong nakaraang taon.
Nagpasalamat din si Lacea sa pamunuan
ng Municipal Interior and Local Government Unit at sa LGU ng Kabacan sa tulong
ng mga ito para sa pagsungkit ng nasabing titulo. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento