(Makilala, North Cotabato/ February
12, 2015) ---Laking pasasalamat ng alkalde ng bayan ng Makilala sa maagap ng
tugon ng pinagsanib na pwersa ng BFP Kidapawan at BFP Makilala dahilan upang
maapula agad ang nangyaring sunog sa Tejada Residence sa tabi ng Public Market
ng nasabing bayan alas 12:15 ng madaling araw kahapon.
Ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan
sa panayam ng DXVL News, nadeklara umanong fireout dakung alas 2:00 nang
madaling araw.
Isa umanong residencial area ang
lugar ngunit wala naman umanong nasugatan o namatay sa nasabing sunog dahil
agad namang nakalabas ang mga tao sa kanilang mga pamamahay.
Dalawang tindahan umano ang naabo na
gawa lamang sa indigenous materials, at isang negosyante umano na may ari ng
isang tindahan ang lumapit sa opisyal at sinabing nasa 160,000 ang naging
danyos nito sa kanyang paninda.
Malaking tulong umano upang agarang
maapula ang sunog ang naging maagap na tugon ng BFP stations ng lungsod ng
Kidapawan at nang kanyang bayan kasali na rin ang mga Public Safety Officers,
mga disaster volunteers at lalong lalo na ng mga residente sa lugar.
Giit pa ng Alkalde na isang magandang
halimbawa umano ito na kahit anumang mga sakuna ay agad na mareresulba kung ang
lahat ng tao ay magkakaisa at magtutulungan.
Sa ngayon patuloy pa umano ang
kanilang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa nangyaring sunog makaraang
nakapagtatakang agaran umanong sumiklab ang ito. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento