(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015)
---Nakatakda na ngang ihahatid ang labi ni Ms. Carolyn Pagaran Comilang sa
kanyang huling hantungan ngayong umaga, February 9, 2015 sa compound ng
kanilang bahay sa may Bonifacio St. Kabacan, Cotabato. Dumating ang kanyang mga
labi dito sa Kabacan noong February 6, 2015 ng umaga, mula pa sa Damam, Saudi
Arabia.
Matatandaan na noong October 23, 2014
naibalitang nagpakamatay si Ms. Carolyn Comilang sa pamamagitan ng pagbibigti
sa kanyang sarili sa loob ng kanilang apartment na tinutuluyan sa Damam, Saudi
Arabia.
Ayon pa sa kanyang ina na si Mrs. Evangeline P. Comilang, na isa ring
OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, masayahing bata umano si Carolyn at hindi
makikitaan ng anumang problema.
Subalit ayaw niyang magbigay ng anumang
ekspikulasyon hinggil sa pagkamatay ng kaniyang anak.
Si Ms. Carolyn Pagaran Comilang, pangalawa
sa tatlong magkakapatid at nag-iisang anak na babae ay isang registered nurse
at graduate ng University of Southern Mindanao taong 2010.
Naging volunteered
nurse siya sa USM Hospital at naging Nurse to the Barangay ng LGU Makilala bago
pa man siya naging nurse sa isang clinic
sa Damam, Saudi Arabia na tatlong buwan lamang siyang nagtrabaho dito bago ang
kanyang kamatayan.
Sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan
sa opisina ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman Jr. sa pamamagitan ni Public OFW Desk
Officer, Yvonne V. Saliling, napadali ang pag-aasikaso sa pag-uuwi sa bangkay
ni Ms. Carolyn P. Comilang.
Ayon pa kay Ms. Saliling, dahil sa close
coordination at constant follow-up sa opisina ni Vice- President Jejomar Binay,
OWWA Reg’l Office at sa tulong ng mga kaanak at kapamilya ni Ms. Carolyn,
natutukan ang pagpapa-uwi sa bangkay ni Ms. Carolyn Comilang. Sarah Jane C. Guerrero, LGU Kabacan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento