Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Patay sindi na serbisyo ng kuryente nitong mga nakaraang araw sa bayan ng Kabacan, ipinaliwanag ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015) ---Aminado ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco na may shortage sa supply ng kuryente sa service area nito.

Ito ayon kay Cotabato Electric Cooperative o Cotelco General Manager Godofredo Homez sa panayam ng DXVL News kungsaan kasalukuyan umanong nagkakaroon ng load curtailment nakakaranas ng kakulangan sa suplay ng kuryente ang bayan ng Kabacan dahil sa pagkakadagdag ng load ng bayan ng Mlang at ilang bahagi ng bayan.


Sinabi ni Homez na nasa preventive maintenance umano sa kasalukuyan ang bagong bagon-tapay sub station na nagsusuply naman sa bayan ng Mlang.

Nagkakaroon din umano ng swapping ng dalawang power transformer at pansamantala munang inilipat ang suplay ng mga member consumer ng Matalam at Mlang sa Kabacan sub-station at nagkaka-problema rin sa swithching kaya patay sindi ang serbisyo ng Cotelco sa bayan ng Kabacan, na siya namang nirereklamo ng maraming member consumer nito.


Patuloy naman ngayon ang ginagawang pagkukumpuni sa Bagontapay substation ngunit inaasahan pang sa ngayong araw o bukas, Miyerkules ito magagamit at inaasahan ring manonormalize ang serbisyo ng Cotelco dito sa bayan.


Umaasa naman umano si Homez na maiintindihan ng mga member consumer ng Kabacan ang patay sinding serbisyo nila sapagkat kailangan umano itong gawin. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento