(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015)
---Sinagot ng pamunuan ng Kabacan National High School ang reklamo ng isang
magulang hinggil sa pagkawala ng Junior-Senior Prom sa naturang paaralan.
Ayon sa pamunuan ng paaralan sa kanilang
inilabas na kalatas ay sinisugarado lamang umano nila ang kaligtasan ng lahat
at kinokonsidera rin nila ang krisis pang-ekonomiya sa ngayon at masasayang
lamang umano ang mga academic hours na igugugol ng mga estudyante sa
pag-eensayo ng JS Prom.
Sa halip na JS Prom ang magaganap ay
magkakaroon na lamang umano sila ng Festival of Talents at Output Exhibit.
Ngunit binigayng diin naman ng pamunuan na
desisyon pa rin umano ng mga magulang kung magkakaroon ng naturang programa. Lynneth A. Oniot
0 comments:
Mag-post ng isang Komento