Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Truck vs van: 2 patay, 10 kritikal

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2015) ---Dalawang pasahero ang namatay habang 10 naman ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong van at forward truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sinawilan, bayan ng Matanao, Davao del Sur kamakalawang hapon.

Ito ang kinumpirma sa panayam ng DXVL News kay PCI Elmer Cabuslay, ang hepe ng Matan-ao PNP.

Kinilala nito ang namatay na si Dennis Elebado ng Sto. Niño bayan ng Makilak, North Cotabato ang isa sa namatay habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa.


Isinugod naman sa paga­mutan ang mga nasu­gatang biktima kabilang ang driver at konduktor ng pampasaherong van.

Kabilang sa mga malubhang nasugatang dinala sa Southern Phils. Medical Center ay sina Maria Tausa, Ronald Cagebed, Ariel Calaraga, Reynald Terante, Petty John Pudulino, Maria Vilma Parada, Belinda Merin, Agnes Hesansa, Nina Tilaca at si Danilo Tilaca.

Sinabi ni Cabuslay na naganap ang sakuna dakong alas-3:20 ng hapon.

Bumabagtas ang GT Express Service van ni Roy Lobrego na residente ng brgy. Osias, Kabacan, cotabato na may biyaheng Kidapawan City-Davao City nang salpukin ito ng kasalubong na forward truck (GGB 434) na minamaneho ni Julius Generale, 44, ng Bansalan, Davao del Sur .

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nakaidlip ang driver ng truck kaya naganap ang sakuna.


Sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at multiple frustrated homicide. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento