Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

COMELEC Provincial Office wala pang natatanggap na bagong resolution sa muling pagpapaliban ng SK elections

AMAS, Kidapawan City (Jan. 30)- Kung si Cotabato Provincial Election Registrar Atty. Dokie Kadatuan ang tatanungin, umaasa siyang matutuloy ang halalan ng Sangguniang Kabataan o SK sa darating na Pebrero 21, 2015.

Ito ay dahil sa handa na ang Comelec Cotabato Provincial Office sa pagsagawa ng naturang halalan at halos plantsado na ang lahat para sa aktibidad.

Ngunit nilinaw ni Atty. Kadatuan na nakadepende sa COMELEC Head Office kung matutuloy o hindi ang SK elections.

Ex-MILF rebs tiklo sa arms cache

(North Cotabato/ February 1, 2015) --- Arestado ang 52-anyos na dating barangay kagawad at dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos makumpiskahan ng iba’t ibang baril at bala sa isinagawang raid ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Tanuel, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguinda­nao kahapon ng umaga.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Sadad Salik Akob matapos arestuhin sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng Cotabato Regional Trial Court Branch 13.

Pagtatanim ng mga kahoy at kawayan sa tabing ilog ng Kabacan, isinusulong ng isang konsehal sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2015) ---Ipinanukala ngayon ni Councilor Jonathan Tabara chairman ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang paghihiling sa mga mamamayan na nakatira sa tabing ilog ang pagtatanim ng punongkahoy partikular na ang biennial trees at kawayan. 

Aniya ang kawayan ay madaling tumubo at madaling tumaas ang ugat at ang biennial trees ay may holding capacity.

Pagpapatuloy ng Usaping kapayapaan ang natatanging solusyon sa problema sa Mindanao -LMT

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2015) ---Pagpapatuloy ng usaping kapayapaan ang natatanging solusyon sa problema sa Mindanao.

Ito ay ayon kay Local Monitoring Team Jabib Guiabar sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Kinatigan ni Guiabar ang naging pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino III na kung hindi ipagpapatuloy ang usaping pangkapayapaan ay marami pang mangyayari na hindi maganda at hindi lamang ilang buhay ang mawawala o malalagas.

Pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga batang may edad 3 hanggang 4 na taong gulang, pinaiigting ng MSWDO Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2015) ---Pinaiigting ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Kabacan  ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga batang may edad 3 hanggang 4 na taong gulang.

Ito ayon kay Kabacan Municipal Social Welfare and Development Officer, Susan Macalipat sa panayam ng DXVL News.

Review Mission ng World bank sa PRDP sa Mindanao, isinagawa

Photo by: Drema F. Quitayen
(General Santos city/ January 29, 2015) ---Isinagawa ang Review Mission ng Philippine Rural Development Project o PRDP sa Mindanao sa East Asia Royale Hotel, General Santos City kamakailan.

Ayon kay Region 12 Department of Agriculture Executive Director Amalia Jayag Datukan ang PRDP ay upscale version ng katatapos lamang na Mindanao Rural Development Program o (MRDP).
Aniya, ang upscaling version na ito ay kung saan hihikayatin umano nila ang mga magsasaka na maging value processing oriented ng kanilang mga pangunahing produkto tulad ng saging, rubber, kamoteng kahoy, niyog, abaka, oil palm, halamang dagat, cacao, mangga at kape upang hindi na nila ito ibigay sa traders at assemblers.

Pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2014 na si MJ Lastimosa inspirasyon ng bawat Pilipino-ayon kay Gov. Taliño-Mendoza

AMAS, Kidapawan City (Jan. 31) – Hindi man niya naiuwi ang korona ng prestihiyosong Miss Universe 2014 sa Doral, Miami, Florida noong Jan. 26, 2015, mananatili pa ring inspirasyon ng mga Pilipino si Mary Jean “MJ” Lastimosa.

Ito ang sinabi ni Cot. Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza matapos ang pagsabak ni MJ sa naturang beauty and brain pageant kung saan pumasok si MJ hanggang top 10.

Mensahe ni P-Noy kaugnay sa Mamasapano, Maguindanao incident

Mga kababayan, Magandang gabi po sa inyong lahat.

Humaharap po ako sa inyo ngayon upang iulat ang ating nalalaman ukol sa nangyari sa Mamasapano, Maguindanao, nitong nakaraang Sabado at Linggo. Ginagawa po natin ito hindi upang pangunahan ang board of inquiry na itinalaga upang tuklasin ang buong katotohanan, kundi dahil karapatan ninyong malaman ang alam natin sa puntong ito.

Noong Sabado ng gabi, ika-24 ng Enero, isang grupo ng mga kasapi ng Special Action Force ng ating Philippine National Police ay tumungo sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao. Ang kanilang misyon, ipatupad ang mga outstanding warrants of arrest sa dalawang notorious na teroristang matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad: Sina Abdulbasit Usman at Zulkipli Bin Hir, alias Abu Marwan. Sa pagtupad ng kanilang tungkulin, 44 sa ating mga pulis ang napatay, habang 16 naman ang sugatan, kabilang na ang 3 sibilyan, ayon sa huling tala ng ating NDRRMC.

BBL, walang kinalaman sa nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao

(Kabacan, North Cotabato/ January 29, 2015) ---Wala umanong kinalaman ang Bangsamoro Basic Law sa nangyaring sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL News Kay MILF Vice-Chairman for Political Affairs Ghazali Jaafar.

IED na sumabog sa Pikit, North Cotabato gawa sa 60MM

(North Cotabato/ January 29, 2015) ---Gawa sa 60mm ang Improvised Explosive Device o IED ang bomba na sumabog sa Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi ayon sa Scene of the Crime Operative.

Sa panayam ng DXVL news kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP inihayag nitong malakas na uri ng IED ang dala ng mga bomber kung kaya’t lasog lasog ang katawan ng mga ito dahilan upang dead on the spot ang back rider na humahawak ng bomba na si Asrap

Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza nanawagan sa mga Cotabateño na manatiling kalmado at mapagbantay sa harap ng mga pambobomba

AMAS, Kidapawan City (Jan. 28)- Sa kabila ng pagsabog ng isang pinaghihinalaang Improvised Explosive Device o IED sa Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato dakong alas sais ng gabi kagabi at pagkakadiskubre sa isa pang IED malapit sa tower ng NGCP sa Pagalungan kahapon, nanawagan ngayon si Cot Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na manatiling kalmado ngunit mapagbantay ang lahat.

Sa report ni Lt. Col. Aude Edralin, Commander ng 7th IB ng Phil. Army na nakabase sa Pikit, Cot. sinabi nitong lulan ng isang Baja motorcycle ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang may dala ng sumabog na IED sa Pikit kung saan sumabog at naging sanhi ng kanilang kamatayan.

2 bomber, patay matapos na masabugan sa Pikit, Cotabato

(North Cotabato/ January 28, 2015) ---Dead on the spot ang isa katao na lulan ng motorsiklo habang dead on arrival naman sa pagamutan ang drayber nito makaraang masabugan ng dala nilang Improvised Explosive Device o IED sa bahagi ng Manuel Quezon Avenue, Poblacion, Pikit, North Cotabato pasado alas 6:00 kagabi.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni Pikit Task Force Commander p/Supt. Jordine Maribojo kinilala ang mga nasawi na sina Asrap Mohamad, 28-anyos, residente ng Balatikan, Pikit.

Relief Operation sa mga sinalanta ng baha pinangunahan ng Mayor ng Kabacan, mga nagsilikas nakabalik na sa kanilang mga bahay

(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2015) ---Pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang relief operation at pagbibigay ayuda sa mga residente na sinalanta ng baha noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng DXVL news sinabi ng opisyal na namigay sila ng mga semento, kahoy, sabon, bigas, noodles, hygiene kit at iba pang ayuda na kailangan ng mga evacuees.

Dagdag pa niya na nakabalik na ang mga evacuees sa kanilang mga bahay at ngayong araw ay nakatakdang magtungo ang LGU sa Brgy. Aringay at Salapungan upang magbigay ng ayuda sa mga evacuees.

Pagsuspende ng BBL, hindi makakatulong sa pag-usad ng Kapayapaan sa Mindanao-MILF

(North Cotabato/ January 28, 2015) ---Nagbigay ng reaksyon si MILF Spokesman Ghadzali Jaafar sa posisyon ni Sen. Bongbong Marcos na isuspinde ang hearing sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa aksklusibong panayam ng DXVL News sa tagapagsalita ng MILF sinabi nito na hindi ito makakatulong sa pag-usad ng Bangsamoro Basic Law.

Samantala, tahasang sinabi rin ni Jaafar na wa­lang nalabag na probisyon sa AHJAC agreement ang kanilang grupo sa madugong engkwentro sa Barangay Tukanalipao at Barangay Inug-og sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao.

OSCA Kabacan may panawagan sa mga Senior Citizen na wala pang Philhealth na magtungo sa kanilang opisina

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015) ---Nanawagan ang Office of Senior Citizen Affairs o OSCA Kabacan sa mga Senior Citizens na hindi pa nakakafill-up ng PhilHealth Membership form na pumunta na sa kanilang tanggapan, ito ay ayon sa panayam ng DXVL News kay OSCA Chairman, Nenita B. Sunsay.

Ayon kay Sunsay, kailangan na umanong magfill-up ng mga Senior Citizens dahil isusumite na umano niya ang listahan ng unang batch ng mga Senior Citizen PhilHealth Members ditto sa Kabacan

Binata, natagpuang patay sa isang pagawaan sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015) ---Natagpuang patay ang isang binata sa Sestoso Miki Factory partikular sa Doňa Aurora Street, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:30 kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Alvin Macaya Basaňes, 20 anyos, binata, trabahante ng nasabing pagawaan at residente ng Layangan, Sarayan, Matalam, Cotabato.

Presyo ng mga isda at karne sa pamilihang bayan ng Kabacan, nanatili parin, iilang isda bumaba

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015) ---Nanatili parin ang presyo ng mga isda at karne sa pamilihang bayan ng Kabacan, Cotabato bunsod narin ito ng pagtaas-baba ng presyong inaangkat mula sa mga negosyante sa ibayong lugar.

Sa isda po tayo, Danggit kung dati P140 per kilo ngayon P120, Matambaka kung dati P150 per kilo ngayon 120.

Barangay Poblacion Kapitan Mike Remulta, nagpa- abot ng tulong sa mga nasalanta ng baha sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015) ---Nagpa- abot ng tulong ang Barangay Poblacion Kapitan Mike Remulta sa mga evacuees na nasalanta ng malaking pagbaha sa iilang lugar ng Kabacan, Cotabato.

Nasa 15 ka- tao ang mga evacuees, mga residente ng Plang, Village na kinupkop sa tanggapan ng Kapitan.

Early Registration ng Department of Education Cotabato Division sinimulan na

(North Cotabato/ January 26, 2015) ---Sinimulan na noong Sabado ang early registration ng Department of Education na nagkaroon ng motorcade at launching program noong Byernes sa Midsayap North Cotabato bilang hudyat ng pagsisimula ng early registration sa buong lalawigan ng Cotabato. 

Sa panayam ng DXVL news kay Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas, inihayag nitong ang naturang launching program ay sinuportahan at dinaluhan ng mga representative galing sa provincial government, municipal government ng Midsayap, PTA officials at ng ibang municipal officials na galing sa ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato.

Nalason sa pancit, nakalabas na ng ospital


(North Cotabato/ January 25, 2015) ---Nakalabas na ng ospital ang labing isang pasyente na una nang napaulat na nabiktima ng food poisoning sa Pigcawayan, North Cotabato noong January 13.

Sinasabing ang kinain nilang pancit ang naging dahilan ng kanilang pagsusuka at pagtatae.

Bangkay ng lolo, narekober na!


(North cotabato/ January 25, 2015) ---Natagpuan na ang bangkay ng isang lolo na una nag napaulat na inanod ng baha sa Arakan North Cotabato noong Huwebes ng madaling araw.

Sinabi ni Arakan PNP commander Senior Ins. Rolly Oranza natagpuan ang bangkay ni Wennie Pastores Pajenado, 61, sa ilog ng brgy. malatab, Antipas North Cotabato noong Sabado ng umaga na naaagnas na.

PNP North Cotabato, naka full alert


(North Cotabato/ January 25, 2015) ---Inilagay na sa full alert status ng Cotabato Police Provincial Office ang antas ng seguridad ng kapulisan matapos ang muling pagsiklab ng sagupaan ng rebeldeng grupo at Special Action Force ng PNP sa bahagi ng Mamasapano, Maguindanao ngayong araw.
 
Ito ayon kay P/SSupt. Danilo Peralta, Cotabato Police Provincial Director sa panayam sa kanya ng DXVL News upang maiwasan ang spill over ng nasabing kaguluhan.

Bus, hinagisan ng granada


(North Cotabato/ January 25, 2015) ---Hinagisan ng mga kalalakihang sakay ng motorsiklo ang isang Unit ng Weena Bus na kakaparada pa lamang sa  Bus terminal sa Ron Rufino Alonzo Street sa lungsod ng Cotabato alas 7:10 kagabi.
 
Ayon kay Cotabato City Police Director S/Supt. Rolen Balquin, dalawang hindi kilalang suspek na lulan sa isang motorsiklo ang naghagis ng Granada.

Bus, hinagisan ng granada


(North Cotabato/ January 25, 2015) ---Hinagisan ng mga kalalakihang sakay ng motorsiklo ang isang Unit ng Weena Bus na kakaparada pa lamang sa  Bus terminal sa Ron Rufino Alonzo Street sa lungsod ng Cotabato alas 7:10 kagabi.
 
Ayon kay Cotabato City Police Director S/Supt. Rolen Balquin, dalawang hindi kilalang suspek na lulan sa isang motorsiklo ang naghagis ng Granada.

Bayan ng Kabacan, isinailalim na sa state of calamity


(North Cotabato/ January 24, 2015) ---Isinailalim na sa state of Calamity ang bayan ng Kabacan noong Biyernes.
 
Ito ayon kay Vice Mayor Mayra Dulay Bade sa panayam ng DXVL News.

Ang hakbang ay ginawa ng Sanggunian matapos ang report na abot sa apat na libung pamilya ang naapektuhan ng nakaraang pagbabaha sa bayan ng Kabacan.