AMAS,
Kidapawan City (Jan.
31) – Hindi man niya naiuwi ang korona ng prestihiyosong Miss Universe 2014 sa
Doral, Miami, Florida noong Jan. 26, 2015, mananatili pa ring inspirasyon ng
mga Pilipino si Mary Jean “MJ” Lastimosa.
Ito ang sinabi ni Cot. Gov. Emmylou “Lala”
J. Taliño-Mendoza matapos ang pagsabak ni MJ sa naturang beauty and brain
pageant kung saan pumasok si MJ hanggang top 10.
Ayon sa gobernadora, ibinigay ni MJ ang
lahat ng makakaya sa kompetisyon at buong puso nitong ginampanan ang kanyang
papel bilang representante ng Pilipinas sa Miss U.
Mananatili raw na idolo ng mga Pinoy si MJ
lalo na ang mga kababaihan sa probinsiya na nais lumahok sa mga beauty pageants
maging ito man ay local o international.
Binigyang-diin ni Gov Taliño-Mendoza na nararapat
lamang tularan si MJ dahil di ito sumuko sa mga pagsubok sa kanyang buhay at sa
pag-kamit ng kanyang mga pangarap.
Tatlong sumali si MJ sa Bb.
Pilipinas-Universe at ito ay noong 2011 at 2012 kung saan di siya pinalad at
noong 2014 kung saan nasungkit na niya ang minimithing titulo.
Sa kasagsagan ng Miss Universe 2014 pageant
ay bumuhos ang suporta ng mamamayang Pinoy kay MJ.
Bumuhos din ang panalangin at moral support
sa social media kung saan ipinahayag ng mga supporters ni MJ ang pagmamahala sa
kanya.
Dahil dito, sinabi ni Gov Taliñ-Mendoza na
mananatili si MJ sa puso ng lahat at kahit di siya ang napiling Miss Universe
ay siya pa rin ang pinakamaganda at pinakamatalinong babae sa naturang
kompetisyon. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media
Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento