AMAS, Kidapawan City (Jan. 28)- Sa kabila ng
pagsabog ng isang pinaghihinalaang Improvised Explosive Device o IED sa
Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato dakong alas sais ng gabi kagabi at
pagkakadiskubre sa isa pang IED malapit sa tower ng NGCP sa Pagalungan kahapon,
nanawagan ngayon si Cot Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na manatiling
kalmado ngunit mapagbantay ang lahat.
Sa report ni Lt. Col. Aude Edralin,
Commander ng 7th IB ng Phil. Army na nakabase sa Pikit, Cot. sinabi nitong
lulan ng isang Baja motorcycle ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang may dala
ng sumabog na IED sa Pikit kung saan sumabog at naging sanhi ng kanilang
kamatayan.
Kinilala ni Edralin ang mga nasawi na sina
Asrap Mohamad, 28 year old, residente ng Barangay Balatikan, Pikit at Jhomar
Palaguyan 27 years old, residente rin ng naturang barangay at siyang driver ng
motorsiklo.
Patay on the spot si Mohamad habang dead on
arrival naman sa Kabacan Medical Hospital si Palaguyan, ayon pa sa report.
Isang sibilyan naman ang tinamaan ng
shrapnel na sumabog malapit sa isang convenience store na kinilalang si
Frouline Hera, 36 years old, residente ng Barangay Calawag, Pikit.
Ayon kay lt.
Col. Edralin, ito na ang ikatlong pagsabog ng IED sa bayan ng Pikit mula noong
nakalipas na linggo ngunit sa ikatlong pagkakataon ay mga suspected bomb
couriers ang nasabugan ng bomba.
Kaugnay nito, sinabi ni Gov Taliño-Mendoza
sa lahat ng Cotabateño na huwag mag-panic at sa halip ay panatilihin ang
pagiging kalmado.
Nanawagan din ang gobernadora na maging
mapagbantay ang lahat at makipag-ugnayan sa otoridad sa anumang mababantayang
kaduda-dudang mga indibidwal o mga bagay.
Ayon kay Gov. Taliño-Mendoza, ginagawa ng
Provincial Government of Cot ang lahat upang mapanatili ang kapayapaan sa
lalawigan at kaugnay nito, kailangang makipagtulungan ang mamamayan sa pulis at
military.
Ginagawa rin daw ng pamahalaan ang lahat ng
makakaya nito upang madakip ang mga suspect o mga may kagagawan ng mga
pagpapasabog sa ilang bahagi ng Cotabato at mabigyan ng hustisya ang mga
biktima ng mga IED explosions. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento