(North Cotabato/ January 28, 2015) ---Nagbigay
ng reaksyon si MILF Spokesman Ghadzali Jaafar sa posisyon ni Sen. Bongbong
Marcos na isuspinde ang hearing sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa aksklusibong panayam ng DXVL News sa tagapagsalita ng MILF sinabi nito na hindi ito makakatulong sa pag-usad ng
Bangsamoro Basic Law.
Samantala, tahasang sinabi rin ni Jaafar na
walang nalabag na probisyon sa AHJAC agreement ang kanilang grupo sa madugong
engkwentro sa Barangay Tukanalipao at Barangay Inug-og sa bayan ng Mamasapano,
Maguindanao.
Sinabi pa ni Jaafar na ang nangyaring
bakbakan ay “unfortunate at uncalled for” o hindi dapat mangyari.
Nanindigan si Jaafar na pumasok ang PNP-SAF
sa kanilang teritoryo at hindi man lang nakipag-ugnayan.
Dahil dito, ang pamunuan ng MILF ay
nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga pulis na napatay sa bakbakan.
Nagpaliwanag din si Jaafar na wala sa
kanilang teritoryo sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at si Kumander Basit
Usman ng Jemmaah Islamiyah pero posibleng nandoon lang malapit sa kanilang
lugar.
Disamayado naman ang Suara Bangsamoro sa
pagpapaliban ng hearing para sa Bangsamoro Basic Law.
Nagdududa rin ang pamunuan ng Suara
Bangsamoro sa timing ng raid dahil itinaon sa araw kung saan dinidinig ang BBL
sa Senado.
Umapela ang progresibong grupo na sana
pagtuunan ng pansin ang pagdinig sa BBL. Rhoderick
Beñez/ Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento