Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Early Registration ng Department of Education Cotabato Division sinimulan na

(North Cotabato/ January 26, 2015) ---Sinimulan na noong Sabado ang early registration ng Department of Education na nagkaroon ng motorcade at launching program noong Byernes sa Midsayap North Cotabato bilang hudyat ng pagsisimula ng early registration sa buong lalawigan ng Cotabato. 

Sa panayam ng DXVL news kay Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas, inihayag nitong ang naturang launching program ay sinuportahan at dinaluhan ng mga representative galing sa provincial government, municipal government ng Midsayap, PTA officials at ng ibang municipal officials na galing sa ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato.


Ipinaliwanag ni Obas na ang early registration ay mula sa kinder garten hanggang highschool. Aniya, ang kailangan lang dalhin para sa kinder garten ay birth certificate at sa ibang level ay magpapalista lamang ng pangalan.

Dagdag pa ni Obas na mas pina aga ang registration upang mas mapaghandaan nang mabuti ang allocation sa mga guro, school buildings at mga textbooks para sa mga estudyante.

Inihayag din ni Obas na  ang mga hindi nakapalista sa early registration ay tatanggapin pa rin ngunit din na masasali sa allocation ng paaralan. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento