Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpapatuloy ng Usaping kapayapaan ang natatanging solusyon sa problema sa Mindanao -LMT

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2015) ---Pagpapatuloy ng usaping kapayapaan ang natatanging solusyon sa problema sa Mindanao.

Ito ay ayon kay Local Monitoring Team Jabib Guiabar sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Kinatigan ni Guiabar ang naging pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino III na kung hindi ipagpapatuloy ang usaping pangkapayapaan ay marami pang mangyayari na hindi maganda at hindi lamang ilang buhay ang mawawala o malalagas.


Dagdag pa niya na ayon sa statement ni Davao Mayor Rodrigo Duterte, ang pagputol umano sa usaping pangkapayapaan ay tulad ng gumawa o nagpatayo ng isang monster na sisira sa mga mamamayan at ating bayan.

Itinanggi naman ni Guiabar ang ulat na may kuneksiyon ang MILF sa BIFF bagkus at hindi rin ito pinoproteksyunan ng MILF.

Paliwanag pa nito na nagkataon lamang na magkaka-mag-anak ang ilang miyembro ng MILF at BIFF sa Mamamasapano.


Paki-usap naman ni Guiabar na magkaisa Muslim man o Kristiyano ay magkaisa upang maisulong at maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan na matagal ng inaasam-asam. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento