(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2015)
---Ipinanukala ngayon ni Councilor Jonathan Tabara chairman ng Committee on
Agriculture ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang paghihiling sa mga mamamayan
na nakatira sa tabing ilog ang pagtatanim ng punongkahoy partikular na ang biennial trees at kawayan.
Aniya ang kawayan ay madaling tumubo at madaling tumaas
ang ugat at ang biennial trees ay may holding capacity.
Paliwanag pa ni Tabara na nagkaroon umano ng
proposal noon na policy advocacy na magkaroon ng inter LGU cooperation sa pag
aalaga ng mga ilog sa probinsya ng Cotabato na nangangailangan ng provincial
policy intervention sapagkat ang pulangi river ay nasasakupan ng ilang
probinsiya.
Aniya ang ganitong panukala ay pang
matagalang solusyon sa problema ng pagbaha sa Bayan ng Kabacan.
Ginawa ng opisyal ang hakbang matapos ang mag nagdaang flashflood at pagbabaha sa bayan ng Kabacan na nag-iwan ng maraming pinsala sa kabahayan at pananim ng ilang mga residente kungsaan abot sa apat na libu mahigit na residente ang naapaktuhan ng baha.
Nanawagan din si Tabara na makilahok ang mga
mamamayan ng Kabacan sa pagtatanim ng mga puno. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento