Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 bomber, patay matapos na masabugan sa Pikit, Cotabato

(North Cotabato/ January 28, 2015) ---Dead on the spot ang isa katao na lulan ng motorsiklo habang dead on arrival naman sa pagamutan ang drayber nito makaraang masabugan ng dala nilang Improvised Explosive Device o IED sa bahagi ng Manuel Quezon Avenue, Poblacion, Pikit, North Cotabato pasado alas 6:00 kagabi.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni Pikit Task Force Commander p/Supt. Jordine Maribojo kinilala ang mga nasawi na sina Asrap Mohamad, 28-anyos, residente ng Balatikan, Pikit.

Habang kinilala naman ang drayber na si Jhomar Palaguyan alias Gapor, 27-anyos, may asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Naisugod pa si Palaguyan sa Kabacan Medical Hospital pero ideneklara ring dead on arrival ng mga attending physician.

Batay sa ulat, habang nagsasagawa ng mobile patrol ang Pikit PNP sa pangunguna ni Pinsp. Sindato Karim dalawang suspicious na tao ang lulan ng motorsiklo sakay ng CT100 na Kawasaki ang dumaan sa nasabing lugar at biglang may sumabog.

Bulagta agad ang angkas ng nasabing motorsiklo. 

Habang isa pang sibilyan ang nasugtan ng sumabog ang IED na kinilalang si Frouline Hera, 36-anyos, may asawa at residente ng Calawag, Pikit.

Agad namang sumaklolo ang Municipal disaster Risk reduction and Management Office ng LGU Pikit sa pangunguna ni MDRRMC Head Tahira Kalantongan upang ipagamot ang biktima sa Kabacan Medical Specialist.

Samantala ang sinasakyang motorsiklo ng dalawang mga bomber ay kulay itim na CT100 na may plakang A-6319 na nakarehistro kay Elias Curiba Galendez Jr. ng Romagooc, Kibawe, Bukidnon na napinsala ng sumabog.

Sa hiwalay na ulat, Napag-alaman pa mula sa intel report na may tatlo pang mga bomba na nakita kahapon sa isang tower ng NGCP sa bahagi ng Layog, Pagalungan na nakasilid sa isang bag at ikinabit sa transmission line ng NGCP pero naagapan ng mga otoridad at di na ito sumabog. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento