Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED na sumabog sa Pikit, North Cotabato gawa sa 60MM

(North Cotabato/ January 29, 2015) ---Gawa sa 60mm ang Improvised Explosive Device o IED ang bomba na sumabog sa Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi ayon sa Scene of the Crime Operative.

Sa panayam ng DXVL news kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP inihayag nitong malakas na uri ng IED ang dala ng mga bomber kung kaya’t lasog lasog ang katawan ng mga ito dahilan upang dead on the spot ang back rider na humahawak ng bomba na si Asrap
Mohammad, 28 years old, resident ng baranggay Balatikan, Pikit  at dead on arrival naman sa isang pagamutan sa Kabacan ang driver na si Jhomar Palaguyan, 27 years old at residente din ng naturang baranggay.

Ayon din kay Karim ay kabilang umano sa malaking grupo ang dalawang suspek subalit hindi muna ito pinangalanan sapagkat nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon.

Inihayag rin niya na ang mga suspek daw mismo ang gumagawa ng bomba dahil ayon sa nakalap nilang impormasyon ay isa umanong Bombard si Asrap Mohammad.


Ang nasabing bomba ay plano umanong ilagay sa isang convenient store subalit namanmanan ito ng nagpapatrolyang mga pulis kung kaya’t hindi nila ito nailagay sa nasabing convenient store at naabutan sila ng pagsabog. Christine Limos 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento