Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Relief Operation sa mga sinalanta ng baha pinangunahan ng Mayor ng Kabacan, mga nagsilikas nakabalik na sa kanilang mga bahay

(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2015) ---Pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang relief operation at pagbibigay ayuda sa mga residente na sinalanta ng baha noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng DXVL news sinabi ng opisyal na namigay sila ng mga semento, kahoy, sabon, bigas, noodles, hygiene kit at iba pang ayuda na kailangan ng mga evacuees.

Dagdag pa niya na nakabalik na ang mga evacuees sa kanilang mga bahay at ngayong araw ay nakatakdang magtungo ang LGU sa Brgy. Aringay at Salapungan upang magbigay ng ayuda sa mga evacuees.


Maging ang Unang Ginang ng bayan na si Ms. Gelyn ay tumulong din sa pagbibigay ng tulong at relief operation.

Sinabi rin ni Guzman na nagkaroon ng pagpupulong upang mabigyan ng rekomendasyon lalong lalo na umano si Engr. Agor patungkol sa mga low- lying- areas na ditto ay napag- usapan ang paglalagay ng lebel sa tulay upang malaman ang pagtaas ng tubig at makapagbigay umano agad sila ng abiso sa mga residente.


Iminungkahi naman ng alkalde na bumuo ang mga barangay ng Barangay Disaster Team lalo na umano sa mga affected areas ng pagbaha. Rhoderick Beñez and Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento